top of page
Search
  • BULGAR

May gustong patunayan, Daniel? KATHRYN, NEXT NADINE, PA-SEXY STAR NA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Abril 2, 2024




Pasabog ang latest pictorial ni Kathryn Bernardo sa Mega Magazine kung saan daring ang pose ng aktres sa ibabaw ng isang tree trunk habang pagkaganda-gandang beach ang nasa background niya.


Ang daming napa-wow at positive comments ang mababasa sa naturang pictorial ni Kathryn na parang sa unang tingin, akala mo'y international star o model.


May mga natuwa rin dahil ang laki na raw ng ipinagbago ni Kathryn at nagkaroon na ito ng freedom matapos ang

breakup nila ni Daniel Padilla.


Tila may gusto raw talagang patunayan si Kathryn at ipamukha kay DJ na "Ito ang sinayang mo!"


May mga comments namang sinusundan na ni Kathryn ang footsteps ni Nadine Lustre na papunta na raw sa pagiging sexy star.


Oh, well… not bad for Kathryn naman as long as it will help her career. In fairness, pa-sexy lang naman siya at 'di naman pang-Vivamax ang datingan kaya go lang nang go, Kath!


Tama lang din namang mag-reinvent siya at maging more serious actress para kapag may dumating na heavy mature roles ay ready na siya.


For Daniel, kailangan namang mapatunayan nito ang pagiging magaling na aktor for him to survive even without Kathryn as his love team.


 

NATHALIE HART, PROUD NA RETOKADA ANG FACE



Kung tutuusin, ang CEO pa lang ng Royal Aesthetics na si Mrs. Universe 2023 Arlene Cris Damot ay sapat nang endorser ng kanilang beauty clinic dahil very vocal naman siya sa kanyang ginawang enhancements sa kanyang face at body.


Victim ng bullying si Arlene nu'ng bata pa siya dahil sa kanyang hitsura at kulay.


Kaya naman na-inspire siyang magtayo ng sariling aesthetics clinic para makapagbigay ng confidence sa mga babae at pati na rin sa mga lalaking maraming insecurities sa kanilang hitsura at skin.


Kaya nu'ng taong 2017, itinayo ni Ms. Arlene at ng kanyang Malaysian husband ang Royal Aesthetics na ngayon ay may 4 branches na at recently lang ay nakatanggap ng Blue Diamond Excellence Award at Breakthrough Award sa Galderma Aesthetics Ph Awarding.


Tuwang-tuwa ang Royal Aesthetics CEO at ang COO ng company na si Mr. David Jay Abalan dahil bukod sa parami nang parami ang kanilang clients, heto nga at kinikilala na rin sila sa aesthetics industry.


For now, ang sexy actress pa lang na si Ms. Nathalie Hart ang kanilang celebrity endorser, pero soon ay may parating daw na big celebrity na madaragdag sa kanilang growing family.


Ayaw nang magbigay ng detalye ni Ms. Arlene at ng kanyang husband sa mga beauty enhancements na ipinagawa ni Nathalie pero inamin nilang nagpa-nose job at lip filler ito dahil open naman daw ang sexy actress tungkol du'n sa kanyang social media accounts.


Umaasa ang mag-asawa na mas darami pa ang kanilang magiging celebrity clients this year lalo't very affordable ang kanilang services at marami raw bago na high tech at usung-uso ngayon na non-invasive treatments na nagpapabata.


So, abangan na lang kung sino ang latest endorser ng Royal Aesthetics na ipapakilala rin naman nila soon.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page