May ganern, Rico?!" AKO LANG ANG NAGBIBIGAY NG DESIGNER BAGS KAY MARIS" — DRA. BELO
ni Beth Gelena @Bulgary | February 21, 2024

Hindi makapaniwala si Maris Racal na niregaluhan siya ng celebrity doctor na si Vicki Belo ng Chanel bag. First time ng young singer-actress na magkaroon ng ganitong brand ng bag. Pero hindi ito ang unang pagkakataong nagregalo si Dra. Vicki ng designer bag kay Maris.
Ayon kay Maris, hindi niya akalaing magkakaroon siya ng ganoong brand na para sa kanya ay 'so expensive.'
Guest si Maris sa vlog ni Dra. Vicki. Naikuwento ni Maris sa vlog ng celebrity doctor ang love story nila ng boyfriend na si Rico Blanco habang nag-Binondo food trip sila.
Walang pagsidlan ng kasiyahan ang Can't Buy Me Love actress nang matanggap ang bonggang Chanel bag mula kay Belo.
Ani ng doktora, "Ako lang 'yung nagbibigay ng designer bags kay Maris."
Sabi naman ng tuwang-tuwang si Maris, "Oh, my God! Ise-share ko ba 'to? Babe, sorry!"
"First was Gucci, then ito, Bottega," saad ng girlfriend ng Rivermaya member.
"Oh, my God, Doc! Ang ganda! Naiiyak ako," dagdag pa niya.
"Hindi ko ine-expect na magkaka-Chanel ako sa buhay ko... Swear! So expensive!"
Ay, sana all! Dra. Vicki, beke nemen, hehehe!





Comments