top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

May bisa ba ang donasyong galing sa kinakasama?

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 19, 2021
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 19, 2021



Dear Chief Acosta

,

Ako ay may kinasamang biyudo sa loob ng mahigit walong taon. Siya ay may tatlong anak mula sa kanyang yumaong asawa. Noong 2017, siya ay nakabili ng lupa na nagkakahalagang P5 milyong, at kanya itong ibinigay sa akin sa pamamagitan ng deed of donation. Noong nakaraang buwan ay pumanaw siya, ngunit ang mga anak niya ay pinagbantaan akong kukunin nila ang lupa na ibinigay sa akin ng kanilang ama sapagkat wala raw bisa iyon. Gusto kong malaman kung totoo ba na walang bisa ang nasabing donasyon? – Laida


Dear Laida,


Ang batas na sumasaklaw tungkol sa inyong katanungan ay ang Executive Order No. 209 s. 1987 o mas kilala bilang The Family Code of the Philippines. Nakasaad sa Article 87 ng nasabing batas na:


“Art. 87. Every donation or grant of gratuitous advantage, direct or indirect, between the spouses during the marriage shall be void, except moderate gifts which the spouses may give each other on the occasion of any family rejoicing. The prohibition shall also apply to persons living together as husband and wife without a valid marriage.”


(Binigyang-diin)


Alinsunod sa nabanggit na probisyon ng batas, ang donasyon sa pagitan ng mag-asawa o ng sinumang nagsasama bilang mag-asawa ay walang bisa, maliban lamang sa mga regalong may katumbas na katamtamang halaga na maaaring ibigay kaugnay ng okasyon. Samakatwid, ang donasyon na lupa mula sa inyong dating kinakasama ay walang bisa sapagkat ito ay mariing ipinagbabawal sa ilalim batas.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page