May bagyo na naman, asahan na maba-bash ang Marcos admin
- BULGAR
- Nov 5, 2024
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Nov 5, 2024

MAHUSAY ANG PAMAMAHALA NG MGA DUTERTE SA DAVAO CITY DAHIL SAFEST CITY NA ITO, CLEANEST CITY PA -- Sa inilabas na data ng Numbeo Pollution Index para sa year 2024 ay nag-rank number 2 ang Davao City sa cleanest city sa mga lungsod sa buong Southeast Asia.
Ayos ah, kasi hindi lang pala safest city ang Davao City, kundi cleanest city pa sa Asya.
Patunay iyan na mahusay ang pamamahala ng mga Duterte sa Davao City, palakpakan naman diyan!
XXX
SPEAKER ROMUALDEZ, INIAANGAT NG OCTA AT IBINABAGSAK NAMAN SI VP SARA SA RATING -- Sa survey ng OCTA Research, nalamangan na ni Speaker Martin Romualdez si Vice Pres. Sara Duterte sa trust and performance ratings.
Ang ratings ni VP Sara ay 59% sa trust at 52% sa performance, samantalang ang kay Speaker Romualdez ay 61% sa trust at 62% sa performance.
Sina VP Sara at Speaker Romualdez ay kabilang sa mga posibleng magkalaban sa 2028 presidential election, at kung susuriin ang inilabas na rating ng OCTA ay tila ang mamanukin nito sa pampanguluhang halalan ay ang House Speaker kasi masyadong halatain na iniaangat ito, at sa kabilang banda, ibinabagsak naman ang rating ng bise presidente, period!
XXX
MAY BAGYO NA NAMAN KAYA ASAHAN NA MABA-BASH ANG MARCOS ADMIN, HAHANAPIN ULI NG MAMAMAYAN ANG PONDO SA FLOOD CONTROL PROJECT -- May nakapasok na bagyo na naman sa bansa at ito ay pinangalanang “Marce”.
Dahil diyan ay tiyak kakaba-kaba na naman ang Marcos administration kasi kapag malakas ang dala nitong ulan at nagkabaha, malilintikan na naman sila sa mamamayan, iba-bash sila ng netizens at hahanapin saan dinala ang bilyun-bilyong pisong pondong inilaan sa flood control project, boom!
XXX
KAPAG NILAGYAN NA NG ‘PATONG’ ANG ULO NI HARRY ROQUE, TIYAK MAY MAGNGUNGUSO NA SA LUNGGA NITO -- Kapag napatunayang guilty si former presidential spokesman Harry Roque sa no bail na kasong qualified trafficking in person, tiyak matutumbok na ng mga otoridad ang kanyang pinagtataguan.
Maaari kasing maglagay na ang Marcos admin ng malaking halagang reward o patong sa ulo ni Harry Roque, at kapag nangyari iyan siguradong may “magngunguso” na sa pinagtataguang lungga ng former presidential spokesman, abangan!
Comments