May 11 M subscribers na sa YouTube… IVANA, TAOB NA SINA VICE, ALEX, ETC. SA KASIKATAN
- BULGAR

- Mar 2, 2021
- 1 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 2, 2021

Inanunsiyo ng sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi na meron na siyang 11 million subscribers sa kanyang YouTube channel.
Kasama sa kanyang magandang balita sa kanyang Instagram page ang kanilang family photo nitong Sabado (February 27).
Ivana wrote in the caption, "Happy 11M SUBSCRIBERS YOUTUBE! We love you forever!"
Sa naitalang 11 million subscribers, masasabing si Ivana ngayon ang isa sa most followed celebrities on YouTube. Kinabog nito ang It's Showtime host na si Vice Ganda with 4.69 M, samantalang si Alex Gonzaga nama'y dikit sa naitalang subscribers ni Ivana na may 10 M, kasunod ni Donnalyn Bartolome na may 6.44 M.
Buwan ng December, 2019 at halos isang taon mula nang inilunsad ni Ivana ang kanyang YouTube channel, himalang naka-11 M subscribers agad ito. Meaning, most followed celebrity talaga siya.
Ang kanyang vlog na Boyfriend Prank ay nasa fourth spot of the Top 10 trending YouTube videos ng bansa last year.
Dahil sa bumabahang blessings na kaloob ng pagba-vlog, nagbigay ang Kapamilya star ng tigte-P10,000 cash and food packs to homeless families, as well as 10 two-year scholarships.
'Sisiw' kung tutuusin sa milyon ding kinikita ng YouTube sensation ang pamimigay niya ng cash, na gaya ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ay nagse-share rin ng kanyang mga kinikita.





Comments