top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

May 10 million subscribers na sa YouTube… IVANA, 'DI TAKOT SA IBANG HUBADERA

BULGAR
May 30, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 30, 2021




Dedma at hindi apektado si Ivana Alawi kung may mga bagong nagsusulputang sexy stars tulad nina Sunshine Guimary, AJ Raval atbp. na nagnanais agawin ang titulo niya bilang Pantasya ng Bayan.


Hindi naman pinangarap ni Ivana na maging sexy star at magbilad ng katawan sa kanyang mga gagawing projects. Medyo may konting pasilip lang siya ng kanyang kaseksihan sa ilan niyang vlogs na nag-viral.


Pero sa mga sumunod niyang vlogs ay ang kanyang pagtulong sa mga nangangailangan ang content ng kanyang videos tulad ng pagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng kalamidad, sa mga food delivery riders at nagpanggap pa nga siyang pulubi nang tumulong sa mga taong naghahanapbuhay sa kalsada, kung saan isang matandang lalaki na nagtitinda ng puto ang binigyan niya ng cash, binilhan ng motorsiklo at ipinagawa pa ang bahay.


Recently ay ang dalawa naman niyang masisipag at loyal na kasambahay ang binigyan niya ng cash incentives.


Ito ang ginagawa ni Ivana Alawi na pagse-share ng mga blessings na kanyang natatanggap.

Mahigit 10 million na ang kanyang YouTube subscribers at kumikita na nang malaki. Kaya naman, tuluy-tuloy ang kanyang mga charity projects.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page