MATTEO AT SARAH, DAWIT SA SCAM, NAGSALITA NA
- BULGAR
- Mar 15, 2024
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 15, 2024

Nagbigay ng babala si Matteo Guidicelli sa publiko na mag-ingat sa mga taong gumagamit ng pangalan nila ng asawang si Sarah Geronimo para makapanloko ng mga tao.
Sa kanyang X account, ini-reshare ng aktor ang screenshot ng isang post na nagsasabing mamimigay ang gobyerno ng ayuda at nakalarawan sina Matteo at Sarah.
“Big SCAM. Please be careful,” ang caption ng aktor.
Ayon sa mga comments ng mga netizens ay marami na raw naloko ang nasabing pekeng impormasyon.





Comments