Matinding baha, dulot ng malakas na ulan, climate change — PBBM
- BULGAR

- 13 minutes ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | August 25, 2026

Photo: File / PCO
Hindi lang kakulangan sa flood-control projects kundi pati ang matinding pag-ulan at climate change ang nagpalala sa pagbaha sa Central Luzon, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Matapos ang situation briefing sa Pampanga, sinabi ni Marcos na agad aayusin ang mga nasirang flood-control structures habang pinag-aaralan ang mas matitibay na pangmatagalang solusyon.
Kabilang sa mga hakbang ang limang Sabo River dams sa Nueva Ecija para mapabagal ang agos ng tubig mula sa kabundukan at mabawasan ang siltation.
Pinag-aaralan din ang pagtatayo ng tinatayang 100-kilometrong dike-road hanggang Pilar, Bataan, upang makatulong na harangin ang tubig mula sa Manila Bay.





Comments