Matindi ang mga ginagawa ngayon... KEN CHAN, UMAMING BANTAY-SARADO NG PSYCHIATRIST
- BULGAR
- Jun 21, 2021
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 21, 2021

Para kay Ken Chan, pinakamahirap na role niya so far sa kanyang mga naging proyekto ang ginagampanan niya ngayon sa bagong Kapuso serye niyang Ang Dalawang Ikaw.
Bilang isang lalaking dumaranas ng Dissociative Identity Disorder (DID) na may dalawang magkaibang personalidad, hindi naging madali ang mga dinaanang paghahanda ng aktor para magampanan niya ang kanyang role.
“I underwent a lot of processes for this. Unang-una, kailangan kong sumailalim sa matinding workshop, we had a character sketch, how we dress, talagang nag- experiment kami for two months bago sumalang sa locked-in taping,” pahayag ni Ken sa ginanap na virtual mediacon recently para sa nasabing serye.
Bukod dito ay gumawa rin daw siya ng sariling research at nanood ng mga movies and documentaries tungkol sa ganitong uri ng mental disorder.
“Kasi alam naman nating napaka-sensitive na topic nito. It’s all about DID and it’s no joke,” sey niya.
Sumailalim din ang aktor sa isang separate workshop kasama ang dalawang leading ladies na sina Rita Daniela at Anna Vicente.
“Malaking tulong din po that we had a doctor, a psychiatrist on set and she’d guide me on how people with this condition, with DID act, because we want the information we’ll show to our viewers to be right. Ayaw talaga naming magkamali,” sey pa ng aktor.
“This is the hardest role I worked on in my entire career at GMA. Akala ko nga, Special Tatay na ang pinakamahirap, may mas totodo pa pala. This is the hardest role I have played,” dagdag pa niya.
Ayon pa sa aktor, matatawag ngang isang adbokaserye ang Ang Dalawang Ikaw dahil may ipinaglalaban ito.
“Naniniwala ako na ang serye namin ay magiging instrumento para ipaintindi sa viewers kung ano ba ang tunay na pinagdaraanan ng mga taong may DID.
“Nais naming iparating sa kanila na huwag tayo agad-agad manghuhusga ng mga tao. Hindi natin alam na ang mga taong ito ay may pinagdaraanan o kaya naman ay mayroon na pala silang DID, hindi lang natin alam o hindi rin nila alam dahil wala silang proper diagnosis dahil sa kakulangan sa pera,” ani Ken.
Magsisimula na ngayong Lunes (June 21) ang Ang Dalawang Ikaw sa GMA Afternoon Prime. Also in the cast are Jake Vargas, Dominic Roco, Lhianne Valentin, Jhoanna Marie Tan at Jeremy Sabido, mula sa direksiyon ni Jorron Monroy.




Comments