top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Matilda ang name ng girl, Popoy ang ikalawa…IBINULGAR NI CRISTY: COCO AT JULIA, 2 NA ANG ANAK!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 25, 2023
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 25, 2023



Gaano kaya katotoo ang pagbubulgar ng batikang kolumnista at TV host na si Nanay Cristy Fermin na diumano'y magta-tatlo na raw ang anak nina Coco Martin at Julia Montes?


Kinumpirma ng celebrity couple last May, 2023 na 12 years na silang may relasyon.


To recall, na-link ang dalawa nu’ng 2011, and since then, there have been sightings of the two in various events and vacations.


Despite sa rumors na naglalabasan hinggil sa kanila umanong relasyon, tahimik lang ang dalawa at ipinagpatuloy ang kani-kanilang career.


Hanggang sa matapang na ibinulgar ni Nanay Cristy ang nalalaman niya sa pribadong buhay ng CocoJuls. Aniya, may dalawa na raw anak ang celeb couple. Isang babae named Matilda who is now four years old at kinuha raw ang pangalan ng bata sa lola ni Coco. Boy naman daw ang second child nila at Popoy naman ang name.


Sa Instagram post nga raw ng Megastar kung saan um-attend ang singer ng private event, napansin ng mga netizens ang pangalang “Popoy” at ito ang pinagbasehan ni Nanay Cristy sa kanyang claim.


“At kamakailan po ay bininyagan naman ang batang lalaki. Siguro po, naramdaman n’yo rin po ‘yun nang may nag-post ng tungkol sa party na meron pong cake sa likod na ang nakasulat po ay ‘Popoy’… Kaya dalawa po ang kanilang anak, isang babae at isang lalaki,” dagdag pa nito.


Aniya pa, ang naturang event ay baptismal ni Popoy.


Naiintindihan daw ng batikang manunulat ang desisyon ng CocoJuls kung bakit inilalayo ang mga anak sa publiko. Understandable daw ‘yun.


“Pero ito naman po ang atin, ano. Naiintindihan po namin kung bakit hindi po sila nagbibigay ng opisyal na pahayag o komento tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak.


Ganoon po talaga ang mga magulang. Ang gusto nila, hanggang maaari na mailayo sa mata ng publiko ang kanilang mga anak ay gagawin nila,” saad pa niya.


Ngayon nga ay napapabalitang buntis na naman si Julia. Pero tulad ng dati, nananatiling tahimik lang ang dalawa sa bagay na ito kung saan involved sila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page