top of page

Matataas na opisyal, ‘dedma’ sa Israel-Iran war, pulitika pa rin ang prayoridad imbes na ekonomiya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 22, 2025
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | June 22, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Grabe na ang giyera ng Israel at Iran.

Naganap na ang kinatatakutan ng lahat — aktuwal na ang palitan ng ballistic missiles!


-----$$$--


PAREHONG nawawasak ang Israel at Iran.

Pareho silang talo.


-----$$$--


MAKIKISAKAY pa si US President Donald Trump.

Madadamay sa talo ang United States.


-----$$$--


LIHIM na natutuwa ang China at Russia.

Hindi sila kumikilos, pero mawawasak ang Amerika.


----$$$--


ANG Pilipinas ay walang kinalaman, pero negatibo ang epekto ng Israel-Iran war sa 120 milyong Pinoy.

Next week, lolobo ang presyo ng petrolyo.


----$$$--


MIRON lang ang Pinoy, pero aktuwal na magdurusa.

Kapag sumali ang US, kasali na rin ang buong Middle East sa digmaan.

Mawawalan ng trabaho ang 10 milyong OFWs.


----$$$--


BUKOD sa petrolyo na mangangailangan ng dagdag na dolyares sa pag-import dahil sa oil price hike, malaking bulto ng dollar remittances ang mawawala sa Pilipinas.

Ang dollar remittances ang gulugod ng ekonomiya ng Pilipinas — malinaw na babagsak ang gobyerno dahil mistulang nabagsakan ng nuclear bomb ang pinansyal na sitwasyon ng bansa.


-----$$$--


Ang malaking problema, ‘dedma’ lang ang matataas na opisyal ng bansa dahil ang kanilang pokus ay kung paano mapapabagsak ang pamilyang Duterte.

Pulitika pa rin ang prayoridad ng mga kolokoy — imbes ang ekonomiya.


-----$$$---


DELIKADO ang seguridad ng Pilipinas kapag nakisali ang US sa Israel-Iran war.

Walang duda, magagamit ang Pilipinas sa isang mala-World War 3 na digmaan.

 

-----$$$--


SA ayaw o sa gusto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kung ano ang desisyon ng US — ‘yan din ang desisyon ng Pilipinas.

Kapag nakigiyera ang US kontra Iran, siyempre, dahil sa mutual defense treaty, makikisawsaw na rin ang AFP sa Middle East — kahit sa anumang porma.


----$$$---


KAPAG lumala ang sitwasyon at aktuwal nang Ikatlong Digmaang Pandaigdig, posibleng ideklara ang Batas Militar.

Ito ay dahil madadamay na rin ang China, Japan, South Korea at sasagpangin ng Beijing ang Taiwan.


-----$$$--


MAMAMANA ni Pangulong Marcos Jr. ang deklarasyon ng Martial Law ng kanyang ama — dahil kailangang maproteksyonan ang Republika ng Pilipinas.

Pero, ang kailangan ng US — ay isang strong leader sa panahon ng digmaan.


-----$$$--


KAILANGAN ipakita ni PBBM na siya ay isang super-strong leader na maipatutupad ang anumang idikta ng US.


Kapag may nagsipsip kay Trump at mapaniwala ito sa tsismis -- na weak ang leadership ni PBBM -- iyan ang isang malaking problema.

Esep-esep tayo sa posibleng maganap!

 

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page