top of page
SPECIAL - “VICE, QUEEN OF ALL NETWORKS” - MVP-IG _praybeytbenjamin.jpg

Matapos ang school shooting... Pa-isyu ng bagong gun permits sa Thailand, sinuspinde

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | August 14, 2026



Thai police sa Debsirin Nonthaburi School matapos ang shooting incident - Reuters

Photo: Reuters



Ipinatigil muna ng pamahalaan ng Thailand ang pag-iisyu ng bagong gun permits kasunod ng pamamaril sa isang paaralan noong nakaraang linggo na ikinasawi ng walong katao at ng 14-anyos na suspek.


Inatasan ni Prime Minister Anutin Charnvirakul ang pagpapatupad ng mas mahigpit na gun control habang inihahanda ang mga bagong batas na magpapataw ng mas mabibigat na parusa sa mga lalabag.


Sa ilalim ng bagong hakbang, hindi muna tatanggapin ang mga bagong aplikasyon para sa pagbili o pagmamay-ari ng baril. Hindi rin ire-renew ang mga dating purchase permit, bagama’t hindi pa malinaw kung paano maaapektuhan ang kasalukuyang gun ownership permits.


Matagal nang ipinagbabawal sa Thailand ang pagdadala ng baril sa publiko. Simula 2023, kailangang manatili sa bahay o shooting range ang mga baril ng mga lisensiyadong may-ari.


May tinatayang 10.3 milyong baril na pagmamay-ari ng mga sibilyan sa bansa, dahilan upang kabilang ang Thailand sa mga bansang may pinakamataas na civilian gun ownership sa Southeast Asia.


Kaugnay ng insidente sa Debsirin Nonthaburi School sa labas ng Bangkok, sinabi ng pulisya na ginamit ng 14-anyos ang baril ng kanyang lolo bago naganap ang pamamaril sa paaralan. Nasawi ang kanyang dalawang lolo’t lola, limang school staff at isang 12-anyos na estudyante.


Sinisiyasat din ng mga awtoridad kung may naging epekto sa suspek ang marahas na content na napanood niya online at ang umano’y interes niya sa paggamit ng baril. Tinitingnan din ang stress sa pag-aaral at mga problema sa pamilya bilang posibleng salik sa insidente.


Isinusulong din ng gobyerno ang mga hakbang para mahikayat ang mga may-ari ng tinatayang apat na milyong unlicensed firearms na isuko ang kanilang mga armas.

Bukod dito, pinag-aaralan ang mas mahigpit na pagkontrol sa bala, habang iminungkahi naman ng education minister ang screening sa mga pasukan ng paaralan upang mapigilan ang pagdadala ng armas ng mga estudyante.


Nanawagan ang gun control advocates na isama sa proseso ng pagkuha ng permit ang mental health assessment at regular na pagsusuri sa mga lisensya ng gun owners.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page