top of page
Liza Soberano - IG.jpg

US FDA, nagbabala... Pampapayat na gamot nakakabulag

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by BRT @News | November 12, 2026



US FDA, nagbabala... Pampapayat na gamot nakakabulag

Photo: File



Iniutos ng US Food and Drug Administration (FDA) ang paglalagay ng karagdagang babala sa mga gamot na ginagamit para sa diabetes at pagbabawas ng timbang, kabilang ang Ozempic, Wegovy, Mounjaro at Zepbound, dahil sa posibleng pagtaas ng panganib ng isang bihirang kondisyon sa mata.


Ayon sa FDA, ang kondisyong tinatawag na non-arteritic anterior ischemic optic neuropathy (NAION) ay nangyayari kapag nababawasan ang daloy ng dugo sa optic nerve, na maaaring magdulot ng biglaang pagkawala ng paningin at, sa ilang kaso, permanenteng pagkabulag.


Sa pagsusuri ng FDA sa 126 clinical trials, nakapagtala ng 6.4 kaso ng NAION sa bawat 100,000 person-years sa mga gumagamit ng GLP-1 drugs, kumpara sa 3.8 kaso sa comparison group.


Gayunman, binigyang-diin na bihira ang naturang kondisyon at hindi pa tiyak na direktang sanhi ng mga gamot ang pagkakaroon nito.


Dahil dito, inatasan ng FDA ang mga manufacturer na magdagdag ng impormasyon tungkol sa posibleng panganib sa kanilang drug labels.


Pinayuhan din ang mga pasyenteng nakararanas ng biglaang paglabo o pagkawala ng paningin na agad kumonsulta sa doktor. Hindi rin dapat basta ihinto ang iniresetang gamot nang walang payo ng healthcare provider.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page