top of page
Search
  • BULGAR

Matapang na laro ng TNT pinapurihan ni coach Chot

ni VA / MC - @Sports | September 7, 2022




Saludo at pinupuri ni TNT head coach Chot Reyes ang kanyang team sa kabila ng kabiguan sa kamay ng San Miguel Beermen sa Game 7 ng 2022 PBA Philippine Cup Finals noong Linggo.


Wala si Reyes sa laro noong Linggo sa Big Dome dahil nagpositibo siya sa COVID-19.


Sa ulat ng ABS-CBN news, ilang source ang nagsabi na masama ang pakiramdam ni coach Chot noong Sabado pa.


Sa kabila ng wala si Reyes sa laro, nakalamang pa ang Tropang Giga sa SMB, 89-84 makaraan ang tatlong quarters. Pero hindi na sila nakaporma noong 4th quarter, bagamat bumagal ang SMB ay nanamlay na rin ang TNT.


"Congrats to Coach Leo Austria and the San Miguel Beermen for the championship," saad ni Reyes sa kanyang Instagram post matapos ang laro, 119-97 na panalo para sa SMB. "But I am so immensely proud of our guys, led by Jayson Castro and Kelly Williams, for their courage in battling overwhelming odds," dagdag niya. "Sorry I couldn't be on the floor with you for that last one. On to the next!"


Kakaibang tapang ni Castro ang kanyang ipinakita kahit masakit ang kanyang bukung-bukong ay nakapagtarak pa ito ng 32 points, 10 rebounds at eight assists.


Si Kelly Williams naman ang nangalabaw sa depensa kontra June Mar Fajardo na may 6 points at 7 rebounds.


Pero hindi na nakahabol ang TNT nang rumagasa na ang San Miguel sa 4th, na-eject pa si Poy Erram sa second quarter dahil sa flagrant foul kay Mo Tautuaa ng SMB.


Ika-10 PBA championship sana ito ni Reyes kung nagkampeon ang TNT.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page