Gilas tinuluyan na ang Guam sa world qualifiers
- BULGAR

- 31 minutes ago
- 2 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | December 1, 2025

Photo: Naging mahigpit ang depensa ng Guam team pero hindi nagpasindak ang dugong Pinoy na si CJ Perez ng Philippine Gilas Pilipinas para sa kanilang umaatikabong aksyon para sa FIBA Basketball World Cup 2025 Qualifiers na ginanap sa Ateneo Gym, Katipunan Quezon City. Photo: Reymundo Nillama (FIBA Basketball World Cup 2025 Qualifiers @ Ateneo Gym, Katipunan Quezon City. Gilas Pilipinas VS Guam-Dec 1, 2025)
Winalis ng Gilas Pilipinas ang kanilang serye kontra Guam, 95-71, sa pagtatapos ng unang window ng FIBA World Cup Qatar 2027 Asia-Oceania Qualifiers sa napunong Blue Eagle Gym sa loob ng Ateneo de Manila.
Nanigurado agad ang Gilas at itinatak ang kalidad sa mga palabang bisita. Nagwakas ang unang quarter sa 32-15 salamat sa magandang laro nina Dwight Ramos at Scottie Thompson. Pinatuloy ng mga reserba ang atake at umabot ng 47-20 ang pagitan.
Nanguna muli sa atake sina Justin Brownlee na may 20 at Dwight Ramos may 17. Nag-ambag ng 10 si reserba Chris Newsome. Humugot ng 27 ang Guam kay Jericho Cruz at 23 kay Takumi Simon buhat sa pitong tres. May 10 at 17 rebound si Jonathan Galloway.
Sumosyo ang Gilas sa liderato ng Grupo A kasama ang kapwa perpektong Australia sa 2-0. Umulit ang Boomers sa host Aotearoa New Zealand, 79-77, sa kasabay na laro sa Wellington. Susunod para sa Gilas ang pagbisita ng New Zealand sa Pebrero 26 at Australia sa Marso 1, pareho sa MOA Arena.
Ang mga Pinoy ang dadalaw sa Tall Blacks sa Hulyo 3 at Boomers sa 6. Bago ang laro pinarangalan si Japeth Aguilar dahil ito na ang kanyang huling laro sa pambansang koponan. Tumanggap siya ng naka-kuwadra niyang uniporme mula Kay SBP Presidente Ricky Vargas at PSC Chairman Patrick Gregorio.








Comments