Saipuddin at Tambilo kampeon sa 21-km ng TPSK Air Run 3rd leg
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | November 18, 2025

Photo : Kampeon sa 21km ng TPSK Air Run si Julmaddin Saipuddin habang pinakamabilis sa 5km si Jaren Ganan sa 3rd leg series na idinaos sa MOA, Pasay City. BULGAR ang official media partner ng Takbo Para sa Kalikasan. (fbpix)
Kinoronahan si Julmaddin Saipuddin bilang kampeon sa Half-Marathon ng Air Run, ang pangatlong yugto ng serye ng Takbo Para Sa Kalikasan 2025, sa MOA.
Mahigit 6,000 mananakbo ang sumagot sa hamon na isulong ang pag-aalaga sa Inang Kalikasan na pangunahing layunin ng karera.
Umoras si Saipuddin ng 1:20:39 sa 21.1 kilometro na umikot sa Roxas Boulevard. Pumangalawa si Neil Kristopher Maramba (1:21:51) na isang segundo lang ang agwat sa pumangatlong si Mark Biagtan (1:21:52).
Sa panig ng kababaihan, pinakamabilis si Marilee Tambilo sa 1:47:18. Malayong pangal6awa si Rachel de Guzman (1:59:26) at pangatlo si Diana Grace Galindez (2:03:10).
Sa 10 kilometro, nanaig si Mark John Castro (36:44), Jun Faduhilao (40:02) ay Crifankreadel Indapan (40:05). Sina Dennese Lagac (54:18), Marikit Gomez (54:36) at Carizza Joy Sotalbo (54:57) ang umakyat sa entablo sa kababaihan.
Wagi sa limang kilometro sina Jaren Ganan (16:48), King Agas (17:20) at Kean Gutierrez (19:00). Kampeon sa kababaihan sina Seande Gallardo (22:50), Kamille Mendoza (26:58) at Asher Dabu (27:00).
Ang ika-apat at huling yugto ng TPSK -Earth Run - ay sa Disyembre 14 sa Quirino Grandstand kung saan 25 kilometro ang pangunahing karera. Ang BULGAR ang opisyal na media partner ng serye at namigay ng tubig mula sa Maynilad at mga diyaryo sa mga tumakbo kasabay ng paglahok ng ilang mga ka-BULGAR.
Abangan din ang isa pang handog ng Green Media Events na UTOL Family Fun Run sa Disyembre 7 sa Luneta. Tampok ang 16, 10 at limang kilometro.








Comments