Matagal magbabakasyon… KATHRYN, MAY KASAMANG NANOOD NG CONCERT NI TAYLOR SWIFT SA AUSTRALIA
ni Nitz Miralles @Bida | February 14, 2024

Lumipad pa-Melbourne, Australia si Kathryn Bernardo para manood ng concert ni Taylor Swift at sa reels, parang walang kasamang family member ang aktres.
Isang non-showbiz friend daw ang nakasama nitong manood ng concert.
Mapapanood din sa reels na maraming maleta si Kathryn at mukha ngang magtatagal ang bakasyon nito.
Natutuwa ang mga fans ng aktres dahil deserve raw niyang magbakasyon after ng heartache at pagkatapos ng sunud-sunod na trabaho, kabilang na ang TVC shoot para sa KFC Philippines.
May mga bagong endorsements si Kathryn kabilang ang isang coffee brand na sa February 18, 2024 ang launching.
Nabasa namin ang comments ng kanyang mga fans na magpapalit na rin sila ng kape na iinumin dahil nagpalit na ng brand si Kathryn.
Bukod sa kape, may teaser na rin si Kathryn for collagen drink at may mga susunod pang bagong endorsements ang aktres.
Ang nakatutuwa, suportado ng kanyang mga fans ang mga endorsements niya at talagang binibili nila agad.





Comments