Matagal ipinag-pray… SHARON, SUPER-SAYA NA NAKATAPAK ULI SI KC SA BAHAY NILA
- BULGAR

- 4 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 12, 2026

Photo: IG _reallysharoncuneta
Ramdam ang saya ni Sharon Cuneta sa muling pag-apak ni KC Concepcion sa bahay nila nina Sen. Kiko Pangilinan at kanilang mga anak. Matagal itong ipinagdasal ni Mega at nangyari nga nu'ng nakaraang Mother’s Day.
Ipinost ni Sharon ang photos nila ni KC. May photo na kasama ni KC ang brother na si Miguel. May photo rin na magkakasama sina Sharon, Sen. Kiko at KC, at may photo na kasama nina Sharon at Kiko sina Miguel at KC.
Masaya ang mga kaibigan at fans ni Sharon sa magandang balita na ito na muntik nang makumpleto ang kanyang pamilya. Ang magkapatid na Frankie at Miel Pangilinan lang ang wala sa larawan at sa nagtanong kung nasaan ang magkapatid, isang fan ni Sharon ang sumagot, “Nasa abroad, nag-aaral.”
Ang alam ng marami, si Miel lang ang nasa ibang bansa at nag-aaral. Si Frankie ay nasa bansa at nagtatrabaho sa Senado. Pero, sabi nga ni Sharon Cuneta, may tiwala siya na sa tamang panahon, magiging kumpleto rin silang pamilya.
SINA Ian Veneracion at Jane Oineza ang main characters sa Filipino crime drama na Drug War: A Conspiracy of Silence (DWACOS) bilang sina Father Tom Carillo (Ian) at Policewoman Sergeant Yana Macabeo (Jane).
Ibig sabihin, sila ang may mas mahabang partisipasyon sa six-part series at mapapanood mula sa pilot episode hanggang sa pagtatapos.
Mula kay Ian, nalaman naming prestige drama ang genre ng DWACOS. Bagong genre raw ito. Sayang at nakalimutan naming itanong kay Direk Shugo Praico kung ano ang scope ng prestige drama at kung bakit ito ang description sa series.
Sa sneak peek ng pilot episode, nag-agree si Ian kina Director Shugo at Joem Bascon na kung ide-describe ang series, ang right word to describe it ay ‘immersive’. Dahil hindi mo lang mararamdaman ang bawat eksena, mararamdaman mo rin na para kang kasali sa istorya at isa ka sa mga karakter.
“Habang nanonood, maaamoy mo ang dugo,” wika ni Ian.
Nabanggit din ni Ian na noong una, hindi niya alam kung paano nila gagawin, pero gustung-gusto niyang gawin ito.
Aniya, “I really felt I had to do this. This is part of our history, of our people. Noong napanood ko ang pilot episode, bumalik lahat sa akin ang emosyon ni Fr. Tom. Mabigat sa dibdib.”
Pinuri ni Ian ang cinematography, editing, story at direction ng series.
“Sana maraming makapanood nito dahil story natin ito. Kasama sa ipinakita ang magandang asal at ‘di kagandahang asal nating mga Pilipino,” sabi ni Ian.
Ia-announce ng Rein Entertainment at KC Global Media kung kailan at saang streaming platform mapapanood ang DWACOS. Kapag napanood na ang pilot episode, gugustuhin mong mapanood ang kabuuan ng series para malaman kung ano ang mangyayari sa mga karakter at kung paano tatapusin ni Direk Shugo ang story.
May special participation si Miguel Tanfelix sa The Master Cutter (TMC) ni Dingdong Dantes. Hindi sinabi kung ano ang magiging role ng aktor, basta challenging at mag-a-action din, siyempre.
Parang introduction na rin ng paglabas ni Miguel sa TMC ang role niya sa Task Force Firewall (TFF), na isa ring action series ng GMA. In fact, mag-aabot ang airing ng dalawang action series ng GMA dahil ngayong Mayo rin ang premiere ng serye.
May nag-isip pa nga na baka konektado ang role ni Miguel sa Firewall sa karakter na gagampanan niya sa TMC.
Excited na ang mga fans ng aktor sa pagbabago ng mga projects na ginagawa ni Miguel. Hindi na lang siya pang-drama dahil nag-a-action na rin siya.
For TFF, nag-training siya sa shooting at action stunts. Iniba rin nito ang kanyang looks. May balbas at bigote siya at may muscles na ang katawan.
His fans are loving the ‘new’ Miguel. Mas naging hot daw siya at nawala ang tingin nila na pang-wholesome lang siya.
Ngayon, pang-action na rin si Miguel Tanfelix at paniguradong mas mamahalin pa siya ng kanyang mga fans.





Comments