Masyonda na raw siya kaya one last na lang… DINGDONG, 2 ANAK PA ANG HIRIT KAY MARIAN, AYAW NANG
- BULGAR
- May 3, 2021
- 1 min read
PAGBIGYAN
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 03, 2021

May pangako pala si Marian Rivera sa GMA-7 na pagkatapos ng pandemic ay babawi siya at babalik na sa paggawa ng teleserye.
Matatandaang tinanggihan nga ni Marian ang First Yaya at si Sanya Lopez ang pumalit sa kanya.
“Actually, dapat nga, may gagawin ako kaso kailangang naka-locked-in. Sabi ko talaga sa GMA, 'Naku, sorry talaga. Hindi ko talaga kaya na mag-locked-in nang ganyan,’ tapos ‘yung anak ko, nagpapadede pa ako kay Sixto. So, sabi ko, malabo talaga,” kuwento ni Marian sa panayam niya kay Aiko Melendez para sa YouTube vlog ng aktres.
Naging very understanding naman daw ang GMA bosses sa kanya.
"Although very thankful naman ako kasi sabi ng GMA, 'Understandable naman. Alam naman naming 'yan ang isasagot mo. Pero kailangan mong bumawi.'
"Sabi ko, 'After ng lahat ng 'to, for sure, babalik at babalik pa rin ako sa soap,’” kuwento pa ni Marian.
Nabanggit din ng aktres na gusto pa niyang magkaroon ng isa pang anak para tatlo na ang kanilang tsikiting. Ang mister niyang si Dong ay gusto pa raw sana ng dalawa pa.
"Actually, gusto niya, dalawa pa. Sabi ko, 'No, Dad. Matanda na ako. One last na lang.' Sabi ko, 'One last na lang. One, one, one,’” lahad ni Marian.





Comments