top of page
Search
  • BULGAR

Masyonda na raw, mag-anak na… KC: 'WAG N'YO 'KONG APURAHIN, PLEASE?!

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 17, 2024




Last April 7, nag-celebrate ng kanyang 39th birthday si KC Concepcion at nagkaroon ng special photo shoot para sa kanyang kaarawan. 


Binati siya ng kanyang mga long-time friends na sina Ruffa Gutierrez, Tim Yap, Vina Morales at iba pa. 


Nauna nang nagkaroon ng advance birthday get-together si KC sa resort ni Gabby Concepcion sa Lobo, Batangas kung saan nakasama niya bukod sa ama ang mga half-sisters.


Well, at her age now, hindi na gaanong naaapektuhan ng mga bashers si KC kapag tinatawag siyang chubby at mukhang matrona. Tanggap na tanggap na rin ni KC ang kanyang body size. Nag-e-enjoy na lang siya sa mga bagay na nagpapasaya sa kanya.


Bukod sa pagsubaybay ng publiko sa love life ni KC, marami ang excited na makita ang hitsura ng kanyang magiging anak.


Kaya at 39 years old, dapat ay magkaroon na siya ng anak at maranasan nang maging ganap na ina.


Pero nakikiusap si KC sa lahat na 'wag siyang apurahin at obligahin na magkaroon na ng anak dahil darating din ‘yun sa tamang panahon kung ibibigay sa kanya ng Panginoon. 


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page