top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Mas may-edad daw ang guy, ‘di si Paulo… KIM, MABUBUNTIS LANG, NEGA IKASAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 48 minutes ago
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 24, 2026



SHEET - KIM, MABUBUNTIS LANG, NEGA IKASAL-IG _chinitaprincess

Photo: IG _chinitaprincess



Nabasa ng kilalang Tarot card reader na si Mamu Gloria Escoto na nai-stress ngayon ang aktres na si Kim Chiu dahil may pinagdaraanan itong legal battle at hindi pa nito nakukuha ang justice dahil may pumipigil daw.


Si Mamu Gloria ang kaibigan ng stand-up comedian-vlogger at host na si Romel Chika na dalawang beses sa isang taon ay nagpapa-update ng estado ng mga kilalang personalidad sa showbiz.


Well, bakit nga ba nai-stress si Kim?


Sey ni Mamu, “‘Yung justice, kung meron itong kasong kinakaharap about sa kayamanan, ito ang ‘di pa n’ya maso-solve ngayon. Pero ito, kahit papaano ay nakaka-move na.”


May nakita si Mamu sa baraha ni Kim, isang babaeng malapit daw sa aktres na pumipigil sa desisyon nito.


Sabi pa raw sa cards, “Si Kim, mukhang stress pero masaya, parang mayroon s’yang pinagdaraanan.”


May buhay-pag-ibig ba si Kim?

“Okay s’ya sa pag-ibig, wala s’yang problema, masaya s’ya,” kaswal na sabi ni Mamu.


Pero hindi si Paulo Avelino na nababalitang karelasyon ng TV host-actress ang nabasa ni Mamu sa baraha niya.


“Kung si Paulo, mas matanda ba sa kanya ‘yun?” tanong nito kay Romel Chika, na sinagot naman ng “Oo.”


Nang i-check namin ay dalawang taon lang ang age gap nina Paulo at Kim na kung tutuusin ay halos kaedaran lang.


Tuloy ni Mamu sa pagbabasa ng baraha, “Kung si Paulo Avelino ‘yun, sa edad ng cards na ‘to, hindi, eh (sabay iling). Pero masaya s’ya (Kim) ngayon, tahimik, pinili n’yang ‘wag magsalita kahit parang maraming tinatanong sa kanya, mas pinili n’yang ‘wag nang sumagot.”


Isa pang nabasa sa baraha ni Mamu ay posibleng magbuntis ang aktres pero hindi nakikitaang ikakasal siya.


Aniya, “Wala, eh. Pero may nakikita akong puwede s’yang magbuntis, puwedeng magkaroon ng anak, pero kasal, wala, eh. Naka-reverse ‘yung cards, (saka) parang s’ya lang ‘yung may desisyon din.”





BUMITAW na ang veteran talent manager na si Shirley Kuan kay Bea Alonzo at nangyari ito nitong Agosto 11.


Tinawagan si Chris Cahilig, kilalang talent manager at PR specialist/Festival Director ng CinePanalo ng Puregold, ng mag-asawang Vincent Co at Bea, na baka puwedeng tulungan ang huli sa mga naiwang inquiries.


At inamin naman nitong siya muna ang mamamahala.

Aniya, “Yup, interim para may mag-asikaso since biglaan ang resignation.”


At ang dahilan ng resignation ni SK (tawag kay Shirley Kuan) ay hindi siya ipinagtanggol ni Bea sa mga isyung naglabasan tungkol sa prenuptial, hindi boto ang parents ni Vincent Co sa aktres at sa hindi pagkakatuloy ng kasal sa Spain dahil may mga natanggap ang mga bisita na cancelled na ito at gayung sabi ng couple ay postponed lang.


Wala raw alam si Chris tungkol dito dahil hindi naman siya nagtanong kay Bea tungkol sa isyu nila ng dating manager niya.


Nagkausap kaya sina Bea at SK pagkatapos mag-resign ang huli at kung okay sila at hanggang kailan ba ang kontrata ni Shirley sa aktres?


“No idea kung nagkausap na, ‘di ako nagtanong and regarding the contract. Ako kasi, nasa transition pa lang ako at getting the details as of now,” katwiran ni Chris.


Sinabi namin na sa estado ng career ngayon ni Bea ay hindi na ito kukuha pa ng business manager niya dahil siya na ang lalapitan at ang kailangan na lang ay pag-aralan o i-check ang mga offers at kontrata lalo’t sanay naman si Chris sa mga ganitong bagay dahil may talent agency siya at may mga talents din.


Bukod dito ay asawa si Bea ng presidente ng Puregold Price Club na tiyak na inaalalayan siya sa mga projects at kung ano ang dapat gawin.


Nabanggit din namin kay Chris na posibleng brainchild ni Vincent ang collaboration nina Anne Curtis at Bea bilang mga endorsers ng kanilang produktong BLK at BASH Manila na kinunan ang video sa China kasama ang ilang kaibigan na sina Bretman, Gabbi Garcia, atbp.


“Posible, wala pa ako sa picture n’yan,” sey naman ni Chris.


Dagdag pa, “I love the couple and it’s something that I do rin naman. This is something I’ll do just for the love of the couple. At kaya rin interim talaga just to take care of the unfinished businesses and inquiries, ang dami kasi. This week lang ako nag-take over, so may gap na ilang araw.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page