top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Mas mataas ng P407B sa 2026... P7.2 trilyon budget sa 2027

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 27
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | June 27, 2026



department of budget and management

Photo: Department of Budget and Management


Inirekomenda ng administrasyong Marcos ang panukalang P7.2 trilyong pambansang budget para sa 2027, na mas mataas ng anim na porsyento kumpara sa P6.793-T alokasyon ngayong taon, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).


Batay sa National Budget Memorandum No. 158 na inilathala nitong Biyernes, Hunyo 26, ang panukalang P7.2-T pambansang budget para sa 2027 ay katumbas ng 21.7% ng gross domestic product (GDP) ng bansa. 


Mas mataas ito ng 6% o P407 bilyon kumpara sa P6.793-T budget na inilaan para sa 2026.


Inaasahang popondohan ng panukalang badyet ang mga pangunahing programa at proyekto ng pamahalaan sa susunod na taon, kabilang ang mga prayoridad sa imprastraktura, edukasyon, kalusugan, at iba pang serbisyong pampubliko. 


Nabatid na dadaan pa sa deliberasyon at pag-apruba ng Kongreso ang panukalang General Appropriations Act bago ito tuluyang maipatupad sa 2027.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page