top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

P20K multa sa magulang... 17-anyos pababa, bawal sa socmed

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | October 9, 2026



P20K multa sa magulang... 17-anyos pababa, bawal sa socmed

Photo: File



Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2424 o SMART KIDS Act, na naglalayong ipagbawal ang paggamit at pagkakaroon ng social media accounts ng mga wala pang 18 taong gulang.


Sa botong 16-1-0, tanging si Senadora Risa Hontiveros ang tumutol sa panukalang ini-sponsor ni Senador Robinhood Padilla.


Kapag naging batas, maaaring pagmultahin ng P5 milyon hanggang P20 milyon bawat paglabag ang mga high-risk digital service na hindi susunod sa regulasyon, habang P5,000 hanggang P20,000 o community service naman ang posibleng parusa sa mga magulang o guardian na lalabag.


Hindi sakop ng panukala ang email, private messaging, ilang online games, educational platforms, news websites at professional collaboration services.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page