top of page
SHEET Lisensiya, suspendido, nag-chopper pa-LTO… LACANILAO KAY GEO ONG- MAGING GOOD EXAMPL

Mas magaling daw humawak ng pera kesa sa kanya… ANGELINE, NAG-FRANCHISE NG SALON, IPINAUBAYA SA MISTER ANG PAGPAPATAKBO

Writer: BULGAR
BULGAR
13 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 22, 2026



BULGARY Mas magaling daw humawak ng pera kesa sa kanya… ANGELINE, NAG-FRANCHISE NG SALON, IPINAUBAYA SA MISTER ANG PAGPAPATAKBO_FB Angeline Quinto

Photo: FB Angeline Quinto



Sunud-sunod ang biyayang dumarating sa buhay ng singer-aktres na si Angeline Quinto. 


Bukod sa pagdiriwang ng kanyang 15th anniversary sa music industry, pagkakaroon ng world tour sa 2027 at pagtatapos ng kolehiyo, panibagong milestone naman ang kanyang naabot matapos pasukin ang mundo ng negosyo.


Bumili ang singer ng franchise ng David’s Salon na matatagpuan sa Angeles, Pampanga, at inaasahang magbubukas ito sa Enero 2027.


Ang asawa niyang si Nonrev Daquina ang hahawak ng kanilang negosyo dahil mas mahusay umano ito sa paghawak ng pera at pagba-budget ng kanilang kinikita.

“Honestly po, kung sa paghawak talaga ng budget, mas magaling s’ya sa ‘kin. Mas masinop,” pahayag ng singer.


Malaking tulong umano sa kanya ang pagiging maingat ni Nonrev sa pera, lalo na matapos pumanaw ang kanyang tiyahing si Mama Bob na nagsilbing guardian niya.

“Siguro, talagang napakalaking blessing sa ‘kin. Kasi simula nu’ng nawala ang Mama Bob, wala na pong ganu’n sa ‘kin. So, parang s’ya ‘yung pumalit sa nanay ko para mas maingatan ko po ‘yung pinaghirapan kong money, kung saan napupunta ‘yung mga sinusuweldo namin. S’ya ang nagba-budget lahat,” kuwento pa niya.


Well, bukod sa pagkakaroon ng dagdag na pagkakakitaan, hangad din ni Angeline na makapagbigay ng trabaho at oportunidad sa mga kapwa Pilipino.





Pamilya, nasa pulitika, aktres, ‘di pa naman daw sikat…  

5-STOREY HOUSE NINA MIKEE, MALA-BUILDING, KINUWESTIYON NG NETIZENS



USAP-USAPAN sa social media ang tila isang building na umano’y bahay ng pamilya ni Mikee Quintos na may limang palapag.


Hindi lamang ang ikinilos at ipinakitang attitude ni Mikee sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 (PBBC3) ang pinag-uusapan ngayon kundi maging ang umano’y yaman at impluwensiya ng kanyang pamilya.


Sa isang post sa Threads (@), kinuwestiyon ng isang netizen kung paano umano na-afford ng aktres na magkaroon ng isang malaking bahay na tila isang building sa gitna ng Metro Manila, gayung artista lamang naman siya at hindi pa maituturing na sobrang sikat.


Heto ang nasabing post, “Mikee, politicians ang parents mo, ikaw, artista na ‘di naman sobrang sikat. Paano maa-afford na magkaroon ng isang building na bahay sa gitna ng Kamaynilaan? 


“Magkano ba ang suweldo ng government position ng magulang mo? Saan galing ang pera?


Kunsabagay, ilang termino din nakaupo ang nanay, tatay, at sister mo. Kaya pala napaka-attitude mo, entitled at mayabang. 


“Maraming back-up, may authority, power. Sayang, sana ay magka-character development ka pa. Napakalakas ng backer ng pamilya mo sa PBB, ha?”

Ang nasabing five-storey building na bahay nina Mikee ay ipinost na rin ng aktres sa kanyang social media para raw patotohanan na totoo ang nasabing isyu tungkol sa bahay.


Pinuna naman ng mga netizens ang five-storey house nina Mikee.

“Ang napansin ko agad, walang canopy ang mga bintana. Papasok ang tubig-ulan ‘pag bagyuhan. Hehehe!”


“Kahit ‘di po architect, napansin ko talagang chararat (pangit) ‘yung bahay. Ang pangit pa ng kulay.”


“Sorry pero ang boring ng interior at exterior. Ang flat, walang harmony at personality.”


“Dejavu for Sara Discaya. Masyadong feeling superior, naungkat ‘yung private life, then lumabas ang flood control. Wala namang problema sa pag-check ng family ni Mikee, especially posted din sa internet ‘yan.”


“We can question her wealth kung lampas naman talaga and kung makakakuha ng proof, yes extreme as that.”


“Mind you, si Mikee ay part ng POLITICAL DYNASTY. From lolo, mama, papa, ate, lahat ay nasa pulitika.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page