Mas madali raw huminga ru'n… KRIS, IPINABAGO ANG BAHAY NILA SA TARLAC, DU'N NA TITIRA

ni Vinia VIvar @Frankly | November 13, 2026

Photo: IG _krisaquino
Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita ni Kris Aquino sa publiko ang loob ng kanilang makasaysayang Aquino ancestral house sa Concepcion, Tarlac.
Sa kanyang latest Instagram (IG) video, mapapanood ang mini house tour ng Queen of All Media kasama ang kanyang bunsong anak na si Bimby.
Ayon sa TV host-actress, ngayon lang daw niya ipinakita sa publiko ang kanilang ancestral home. Ikinuwento niya na kasalukuyan nilang ipinapa-remodel ang bahay, partikular na ang dating kuwarto ng kanyang inang si former President Corazon ‘Cory’ Aquino. Dito na raw kasi sila maninirahan mula Sunday hanggang Wednesday.
“Last night/midnight to 2 AM I shared with you that we’re currently remodeling our home in the Cojuangco family compound. I felt the difference immediately in how much easier it was to breathe,” pagbabahagi ni Kris.
Ibinahagi rin niya ang sentimental memories tungkol sa kanilang ancestral home, kabilang ang mga punong itinanim ng kanyang amang si former Sen. Ninoy Aquino at ng lolo niya na bumuo sa magandang landscape ng property.
“My dad together with my Lolo Pepe planted all the trees, from the pine trees that line the pretty long drive before the 2nd gate,” kuwento niya.
Natuwa rin daw ang mga security guards nang muli nilang makita ang panganay niyang anak na si Joshua, na kilala ang bawat isa sa kanila sa kanilang first names.
Samantala, sinabi ni Kris na hindi nila maaaring baguhin ang exterior design ng bahay dahil idinisenyo ito ng National Artist for Architecture na si Leandro V. Locsin.
“We aren’t allowed to change the exterior because the homes were designed by National Artist Architect Lindy Locsin. But inside I can go as bright as I wish,” ani Kris.
“Sunday night to Wednesday night we’ll be Tarlac residents... and Thursday to Sunday we are Makati residents,” patuloy niya.
Tungkol naman sa kanyang health journey, sinabi ng Queen of All Media na patuloy siyang lumalaban at buo ang kanyang tiwala sa kanyang team of doctors, gayundin sa suporta ng kanyang mga anak, mga kapatid, at trusted friends.
“You don’t need to read about the new developments regarding my health: what’s important is lumalaban ako, buo ang tiwala ko sa team of doctors taking care of me,” pahayag niya.
Sa kabila ng mga pagsubok sa kanyang kalusugan, nananatiling hopeful si Kris at naniniwalang darating ang panahon na makakamit niya ang remission ng kanyang mga autoimmune diseases.
“That’s one of the lessons I learned throughout this 5-year prolonged war, it’s okay to cry, there’s nothing wrong with being human and vulnerable because that just means I am alive, I still have genuine feelings, and some of my most life-threatening autoimmune illnesses will be in remission because I plan to stay alive,” pahayag niya.
Ayon sa Cleveland Clinic, bagama’t wala pang cure sa autoimmune disease ay maaari namang makamit ang remission na ang ibig sabihin ay ‘a state where symptoms subside, disease activity becomes minimal or absent, and inflammatory markers return to normal levels’.
LUBOS ang pasasalamat ng ABS-CBN sa mga manonood sa Pilipinas at iba’t ibang parte ng mundo matapos makakuha ng pinakamaraming views ang ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) para sa media and entertainment category.
Nakalikom ito ng 72.6 bilyong total views nitong Oktubre 2026 ayon sa datos ng Tubular Labs.
Sa Pilipinas naman, numero uno rin ang ABS-CBN Entertainment sa YT para sa lahat ng kategorya para sa total views (72.6 bilyon) at subscribers (55.3 milyon).
Tinatangkilik din ng mga manonood ang ibang social media platforms ng ABS-CBN para sa Facebook (FB), Instagram (IG), at TikTok. No. 1 FB page sa Pilipinas ang ABS-CBN para sa entertainment genre batay sa views (726 milyon) at followers (47.5 milyon).
Nangunguna rin sa bansa ang ABS-CBN Entertainment sa IG para sa views (859 milyon) at engagements (19.5 milyon).
Numero unong TikTok account din sa Pilipinas ang ABS-CBN Entertainment sa media and entertainment category batay sa followers (14.6 milyon) at engagements (48.4 milyon).
Ang rankings para sa views at engagements ay batay sa datos ng Tubular Labs mula noong Setyembre 2026, habang ang mga ranking para sa followers ay mula noong Oktubre 2026. Ang Tubular Labs ang kilalang industry standard pagdating sa global social video measurement at creator rankings na sumusukat sa digital footprint ng mga platform tulad ng YT, FB, IG, at Twitch.
Mula sa full episodes ng mga kasalukuyan at classic shows, hanggang sa highlight reels at exclusive digital videos, patuloy ang ABS-CBN sa paghahatid ng mas maraming paraan para ma-enjoy ng mga manonood ang kuwentong Pilipino saanmang sulok ng mundo.





Comments