Mas kumampi raw sa aktor… DJ JHAI HO, UMAMING NA-GUILTY KAY KATHRYN NA IPINAGTANGGOL SI DANIEL SA HIWALAYAN

ni Beth Gelena @Bulgary | September 12, 2026

Photo: DJ Jhaiho - IG
Naging guest kamakailan si DJ Jhai Ho sa Fast Talk with Boy Abunda, at napag-usapan nila ni Boy Abunda ang naging hiwalayan noon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Ayon kay Jhai Ho, pareho niyang kaibigan sina Kathryn at Daniel, pero hayagan niyang ipinagtanggol noon ang aktor dahil grabe na raw ang bashing dito na hindi naman totoo.
Bagama't inakusahan siya ng ilang netizens na kumampi kay Daniel, iginiit niyang pareho niyang kaibigan ang dating celebrity couple, kaya mahirap para sa kanya ang sitwasyon.
Aniya pa, noong una ay nanatili siyang tahimik at piniling huwag makialam sa kontrobersiya. Napilitan lang umano siyang magsalita nang makita niyang labis nang binabatikos si Daniel.
“Actually, Tito Boy, sobrang hirap po na hindi ka papanig sa isa lang at lalo na kung kaibigan mo,” wika ni DJ Jhai.
Naalala rin niya ang dati nang payo sa kanya ni Kuya Boy tungkol sa kahalagahan ng pananatili ng magandang relasyon sa mga tao, lalo na sa mga kaibigan.
“Tahimik naman ako that time pero dumating lang sa point na kailangan ko nang mag-stand para ipagtanggol ‘yung mahal kong kaibigan,” pakli niya.
Napansin din daw niya kung gaano kabigat para kay Daniel ang sunud-sunod na kritisismo at pambabatikos na natanggap noong panahong iyon.
“Pero that time kasi, parang dapang-dapa na si Daniel with everything, with the bashing.
“Eh, ang paniniwala ko, it’s between the two of them. Sila lang ‘yung may karapatan na magsalita. Sila lang ‘yung may karapatan na may i-clear sa mga issues,” esplika niya.
“Nanggagaling ako doon sa may attack kay DJ na alam kong hindi totoo… so tumayo lang ako bilang kaibigan.”
Ibinahagi rin ni Jhai Ho ang isang pagkakataong nagkasama sila ni Kathryn sa elevator habang nagpo-promote ang aktres ng pelikula kasama si Alden Richards.
“Okay po. I remember na when she was promoting with Alden Richards, sabay kami sa elevator."
Aminado si Jhai Ho na bago ang kanilang pagkikita ay hindi niya alam kung paano niya haharapin si Kath matapos niyang hayagang ipagtanggol si Daniel.
“I’ll be very honest, nakakaramdam ako ng ‘Ganu’n pa rin kaya ang approach ‘pag nagkita kami?’”
Ngunit hindi naman umano nangyari ang kanyang kinatatakutan. Sa halip, nakaramdam siya na naiintindihan ni Kathryn kung saan siya nanggagaling.
“In fairness po, pagpasok niya talaga… parang naiintindihan talaga niya where I was coming from."
‘Di naman daw puwedeng manganak at maging nanay… ALMA, ‘DI PABOR SA PAGSALI NG MGA TRANS WOMEN SA BEAUTY PAGEANT
HAYAGANG ibinahagi ni Alma Concepcion, dating Binibining Pilipinas International 1994, ang kanyang prangkang saloobin sa nababagong mga kuwalipikasyon ng mga kandidata sa Miss Universe.
Binigyang-diin niya na ang pagiging ina at ang mga karanasan sa buhay ay nakadaragdag sa lalim at tunay na diwa ng pagiging isang babae.
"Kasi minsan, parang motherhood makes you better. First, mas lumalalim ‘yung knowledge mo, kumbaga mas nagiging rich ‘yung experience mo," paliwanag niya.
Nang mapunta ang usapan sa mga transgender na kalahok, kabilang ang mga kumatawan sa bansang tulad ng Spain at Brazil nitong mga nakaraang taon, magalang ngunit matatag niyang ipinahayag ang kanyang pag-aalinlangan.
"‘Yung sa trans naman, okay, may nag-join na, ‘di ba, si Miss Spain or Miss Brazil. So, medyo na-off lang ako kasi parang tingin ko kasi sa pageantry, it's like the Olympics," pahayag ng former beauty queen.
Ipinaliwanag din niya ang pananaw tungkol sa tinatawag na "full essence of a woman."
“Kasi paano mo mari-reach ‘yung full essence of a woman if you cannot give birth, ‘di ba? So, parang kailangang ma-embody mo ‘yung full essence of a woman, hindi lang sa utak, pati ‘yung paano ka maging asawa, paano ka maging mother,” deklara pa ni Alma.
Agad namang nilinaw ng beauty queen-turned actress ang kanyang mga sinabi dahil baka raw magkaroon ng iba't ibang interpretasyon. Wala raw siyang galit o masamang intensiyon laban sa transgender community. Ang punto lang daw ay maging patas ang mga limitasyon sa isang kompetisyon.
“Oo naman. Kasi ang sa akin, para fair lang, ‘di ba? Kumbaga, meron lang tayong boundaries, meron lang tayong limitations.”
Naging hati ang mga reaksiyon ng netizens online. May mga sumang-ayon sa kanyang pananaw, ang iba naman, kumuwestiyon sa kanyang mga sinabi tungkol sa kahulugan ng pagiging babae at sa paglahok ng transgender women sa beauty pageants.





Comments