Mas kabado pa raw kesa sa pagko-concert niya… RICO, ‘DI MAKAPANIWALANG MAGBIBIDA SA PELIKULA
- BULGAR

- May 18
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 18, 2026

Photo: FB Rico Blanco
Hindi makapaniwala si Rico Blanco na darating ang pagkakataon na magiging leading man din siya at magbibida sa isang pelikula.
Ang singer-actor ang leading man ni Sue Ramirez sa latest Regal Entertainment offering na Project Baby na ipapalabas ngayong June 10.
Ayon kay Rico sa ginanap na grand mediacon para sa nasabing romantic-comedy film last Saturday, kinabahan talaga siya sa pelikulang ito.
“Sinasabi ko kay Sue, kinakabahan ako rito,” sey niya.
Aniya, “Mas kabado pa ako rito ‘pag may major concert o malaking music event.”
Paliwanag niya, “Kasi po, as you all know, bihira ko pong gawin ‘to and I feel... minsan, ‘di ko alam kung totoo ba ‘yung nangyayari. That, you know, at this point in my life, ngayon pa ako magkakaroon ng lead role in a Regal movie.”
Dagdag pa niya, “This morning, ginaganu’n (kinukurot) ko po ‘yung sarili ko because I can’t believe all of this is happening.”
Overwhelming din para kay Rico na umabot na sa mahigit 6.5 million ang views ng trailer ng movie at puring-puri ng mga tao ang chemistry nila ni Sue.
“So, when you said millions of views ‘yung trailer, it’s still... it’s just unbelievable to me,” nakangiting wika ng dating bokalista ng Rivermaya.
“I’ve done so many things in my career that I’m so grateful for. Nalagpas-lagpasan na po lahat ng dreams ko. Ito po, I’ll be honest, ‘di ko po ito dinream at all. Tapos, nangyayari sa akin. So I’m just filled with so much gratitude,” pahayag pa ni Rico.
Ayon naman kay Eric Quizon na siyang direktor ng movie, ang producer na si Keith Monteverde ang talagang nakaisip na kunin si Rico bilang leading man ni Sue.
“Actually, si Keith ang nag-suggest. Nu’ng sinabi namin, it’s odd, it seems like an odd couple, pero puwede. So, that’s how we came about it,” kuwento ng direktor.
Ang kuwento ng Project Baby ay tungkol sa isang babaeng nasa treintahin na at gusto nang magkaroon ng anak dahil feeling niya ay nawawalan na siya ng oras para magkaroon pa ng baby.
Kakaiba ang kuwento ng movie at talaga namang sa trailer pa lang ay maaaliw ka na sa mga eksena nina Sue at Rico.
Mula sa panulat ni Jose Javier Reyes, showing na sa June 10 ang Project Baby at kasama rin dito sina Alice Dixson, Matt Lozano, Charut, Arra San Agustin, Yasser Marta, Kimson Tan, Jassil Sarinas at Alex Calleja.
HATID ng ABS-CBN ang walang prenong chikahan at opinyon ng mga celebrities tungkol sa maiinit at napapanahong isyu sa bagong online podcast na Hot Takes.
Tampok sa digital show ang mas malalim na pananaw ng mga celebrities sa totoo nilang karanasan sa industriya ng showbiz.
Napapanood ito sa ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) at Facebook (FB) page kasama ang mga hosts na sina Gary Ann Lastrilla at Krish Ramos.
Patok agad ang naturang podcast matapos umabot sa higit isang milyong views ang parehong episodes nina JM Ibarra at Fyang Smith, at ni Kai Montinola.
Sa isang episode, ibinida ng dating Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 housemates na sina JMFyang ang kanilang reyalisasyon pagdating sa mga reality shows, habang ibinahagi ni Kai ang kanyang opinyon pagdating sa love team culture sa bansa.
Matapang namang hinarap nina Sofia Andres at Charlie Dizon ang mga usapin tungkol sa double standards na nararanasan ng mga babaeng artista, habang naglabas ng hugot ang content creator na si Daniel Laudit o mas kilala bilang Mentor Daniel, pagdating sa mga kapwa-influencers na nagbabahagi ng kanilang opinyon tungkol sa mga isyu.
Mas marami pang prangkang diskusyon ang mapapanood sa mga susunod na episodes kasama sina Jake Cuenca, ang certified matchmaker na si Coach Vee, influencer na si JinHo Bae at marami pang iba.
Napapanood ang Hot Takes tuwing Huwebes, 9 AM, sa ABS-CBN Entertainment YT at sa ABS-CBN FB page.





Comments