top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mas importante raw ang kumita… JERALD, WALA PA RING PLANONG PAKASALAN SI KIM

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 7, 2024
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 7, 2024




Hindi naman pala totoong package deal sa mga proyekto ang magdyowang Jerald Napoles at Kim Molina, dahil sa bagong game show nga ng una sa TV5 na Barangay Singko Panalo ay ibang babae ang kanyang co-host, ang theater actress-singer ding si Kayla Rivera.


Sey ni Jerald sa mediacon ng naturang bagong show, “Nagkataon lang na naging package deal kami because nagkaroon ng following ‘yung sa aming dalawa. But even before, bago pa ako mag-Viva, Jerald Napoles from APT and Kim Molina of Viva Films.”


Magkahiwalay naman daw sila talaga ng branding even before.


“Ang maganda du’n kasi is may tatlong branding – may Jerald, may Kim at may KimJe which works sa mga bills,” sey ng aktor sabay-tawa.


Nang tinanggap daw niya ang Barangay Singko Panalo ay alam ni Kim kung sino ang kanyang magiging co-host at natuwa pa nga raw ito nang malamang si Kayla, dahil kasamahan din nila ito sa teatro.


Matagal-tagal na rin ang relasyon nina Kim at Jerald kaya naitanong nga sa kanila ang tungkol sa kasalan, pero ani Je (Jerald) ay wala pa raw talaga sa ngayon, dahil ang focus nila this year ay trabaho at pagnenegosyo since kagagaling nga lang sa pandemic.


Wala pa rin daw sa plano ang pagkakaroon ng baby pero siyempre ay darating din naman sila sa ganu’ng estado.


Samantala, excited si Jerald dahil first time niyang magho-host ng isang game show kaya naman pumayag agad siya sa offer ng TV5, dahil gusto rin niyang i-explore ang field na ito.


Nagustuhan din daw niya ang concept nito na hindi lang game show kundi sitcom din na first time raw mapapanood sa Pilipinas.


Sa bawat episode, may mga problema at scenarios ang haharapin ng mga barangay contestants. Magiging unpredictable ang mga challenges sa bawat round at mula sa limang players, isa lang ang maaaring makasama sa jackpot round para manalo ng cash prize up to P100,000.


Hangad ng bagong game show na makilahok ang lahat ng barangay sa buong bansa sa pamamagitan ng saya, premyo, at mga sorpresa na tiyak na magbibigay-kulay sa buhay ng bawat isa.


Magsisimula na ngayong Marso 11 ang bagong show at mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 5:30 PM sa TodoMax Primetime Singko block ng TV5. 


Para sa iba pang detalye, maaaring bisitahin ang mga social media account ng TV5 at website. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page