Mas excited pa sa anak… LOTLOT, MAY BASBAS NANG MAGPAKASAL SI JANINE
- BULGAR
- May 15, 2021
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 15, 2021

Nakakatuwa namang kahit hindi sa mga sinehan ipinalabas ang pandemic movie na Dito at Doon na pinagbidahan nina Janine Gutierrez at JC Santos kasama ang mga co-stars na sina Victor Anastacio, Yesh Burce at Ms. Lotlot de Leon ay mainit pa rin itong tinanggap sa online platform at hanggang ngayon nga ay ini-stream pa rin ito sa iba't ibang panig ng mundo, 'di lang sa Pilipinas.
No wonder na nagpa-thanksgiving party ang TBA Studios na producer ng movie kung saan sumosyo rin pala si Paulo Avelino bilang co-producer, ha?
Anyway, sa Zoom thanksgiving presscon last Thursday night, masaya ang buong cast dahil ang daming good reviews at feedback sa Dito at Doon at bagama't ini-stream pa rin hanggang ngayon ang movie, may mga nagre-request na agad ng part 2 o sequel.
Excited naman para rito sina JC at Janine at sabi nga nila, kung sila ang papipiliin ng magiging third party sa kanilang love story sa part 2, choice raw ng aktres si Bela Padilla na unang nagklik ding ka-love team ni JC sa ibang movies na ginawa nila, habang si Enchong Dee naman ang napili ni JC dahil bukod sa 'ang ganda' raw ni Enchong, eh, very light itong kasama at katrabaho.
Samantala, dahil present din si Ms. Lotlot sa thanksgiving presscon, nakantiyawan sila tungkol sa nakaraang interview ni Janine sa kanyang Lola Pilita Corrales sa vlog niya kung saan nasabi nga ng aktres na matagal pa raw bago siya magpakasal.
Sabi naman ni Ms. Balot, nasa right age na si Janine at kung in two years' time ay gustuhin nitong mag-asawa na ay wala namang problema sa kanya.
Kaso natatawang pagkontra ni Janine, kakakasal pa lang daw ng kanyang mommy kaya ayaw niya munang sumunod.
It seems marami pang pangarap sa buhay si Janine at naiintindihan naman daw 'yun ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz kaya hindi siya minamadali nito. Very supportive raw si Rayver sa kanyang career at mga gusto pang ma-achieve sa buhay.
Meanwhile, Dito at Doon is enjoying an extended run on KTX, Cinema '76 @Home, iWantTFC, Ticket2Me, and Upstream.
For international audiences, Dito at Doon (Here and There) is exclusive on TBA Play for a limited time only in USA, Canada, and select territories in Europe, Middle East, and North Africa. For a full list of countries and updates on availability in other regions, visit tba.ph and follow https://www.facebook.com/tbaplaymovies.





Comments