top of page
Faith Da Silva at Sam Verzosa - IG.jpg

Mas bata kesa kay Rhian na ex ng businessman… FAITH, BINALAAN KAY SAM NA RED FLAG DAW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 23, 2026



Faith Da Silva at Sam Verzosa - IG

Photo: Faith Da Silva at Sam Verzosa - IG



Mainit na pinag-uusapan online ang pagkaka-spot sa negosyante-pulitiko na si Sam Verzosa kasama ang aktres na si Faith da Silva sa concert ni Jessica Sanchez.


Dahil sa viral TikTok (TT) video at mga larawan, maraming netizens ang nag-speculate kung may namumuong espesyal na relasyon sa dalawa.


Pero sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula kina Sam o Faith tungkol sa tunay na estado ng kanilang samahan.


May mga natuwa at nagsabing bagay sila, may ilan namang nagbigay ng babala kay Faith dahil sa dating kontrobersiya at public image ni Sam.


Marami rin ang nagkomento tungkol sa age gap, yaman, at dating history ng dalawa.

Nabanggit din ng ilang mga commenters ang dating relasyon ni Sam sa aktres na si Rhian Ramos kaya may mga naghahambing at nagsasabing ‘mas bata’ raw ngayon ang bagong nali-link sa kanya.


Samantala, may mga netizens ding dumepensa kay Faith at nagsabing normal lang na may kasamang lalaki sa concert at hindi dapat agad lagyan ng malisya ang simpleng pagkikita o paglabas nila.

Sey ng mga netizens: 


“Naku! Flamara (karakter ni Faith sa Sang’gre), lumayo ka r’yan. Red flag ‘yan sabi ni Mitena (karakter ni Rhian).”


“Isa lang naman ang dahilan kung bakit kumakapit s’ya kay Sam.”

“Naku! Another luhaan girl... next.”


“Bakit s’ya red flag? Playboy ba o may something fishy sa mga business dealings?”

“Gusto n’yang maging one of the hottest girls in town.”


Ayon naman sa isang observant netizen, “Nu’ng MUPH (Miss Universe Philippines) pa ‘yan sila magkasama kaya may something na sa kanila.”

Ganern? Ano’ng sey n’yo, mga Ka-BULGAR?





‘Di na raw kaya… COCO, KAY JULIA IPINAPASA ‘PAG USAPING PERA NA



PINAG-UUSAPAN pala ng magdyowang Coco Martin at Julia Montes kung paano nila ihihiwalay ang kanilang propesyonal na trabaho sa personal na relasyon.


Nagbahagi ang dalawa ng kanilang karanasan sa pagtatrabaho bilang magkatuwang na producer sa paparating na seryeng Sigabo.


Sa isang panayam, pinatunayan ng celebrity couple na matibay ang kanilang samahan.


Hindi lang sila basta mga co-producer, co-stars din sila. Anila, ang pagtutulungan at bukas na komunikasyon ay may malaking papel sa tagumpay ng kanilang

kolaborasyon.


Ayon sa aktor, talagang isinama niya si Julia sa proseso dahil may mga bagay na kaya nitong gawin na hindi niya kaya.


“Talagang in-involve ko s’ya. Sabi ko, ‘yung mga bagay na ‘di ko kayang gawin, mga ‘di na kaya ng katawan ko — like kumbaga sa finances. Basta pagdating sa creative, in all aspects, ako ‘yan. Pero pagdating sa money matters, si Juls ‘yan, ‘di ko na kaya,” esplika ng aktor.


Hinahangaan naman ni Julia kung paano nila binabalanse ang isa’t isa para sa trabahong kanilang ginagalawan. Pinahahalagahan niya ang sigasig at dedikasyon ni Coco sa sining nito.


Dapat sana ay ipapalabas agad ang Sigabo matapos magtapos ang FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Ang paliwanag ng ABS-CBN, inilipat ito sa ibang petsa habang patuloy ang mga paghahanda upang gawin itong isang kapana-panabik na seryeng magdudulot ng bagong karanasan sa panonood.


Ayon naman kay Coco Martin, nagdesisyon silang huwag nang ituloy ang orihinal na plano matapos mapagtanto na kailangan ng lahat ng oras para magpahinga. 

Napansin niya na pagod na pagod na ang mga staff mula sa nakaraang serye, na nakaapekto sa kanilang produktibidad sa set.




MUKHANG agresibo ngayon ang ABS-CBN sa bagong entertainment formats nila, lalo na sa mga game shows at microdrama content.


Isa sa mga pinag-uusapan ay ang pagpasok ni Yassi Pressman bilang producer ng bagong action game show na Tubig To Handle (TTH). Bukod sa pagiging host bilang ‘Tubig Sirena’, co-producer din siya mismo ng programa with ABS-CBN. Malaking step ito sa career ni Yassi dahil mas kilala lang siya bilang actress at performer.


Makakasama niya sa programa sina Marco Gumabao, Danita Paner, Zia Mercado, at TJ Valderrama. Interesting din na sa Camarines Sur ginaganap ang production, kaya mukhang malaking water-based obstacle action concept talaga ang theme ng show.


Samantala, inilulunsad din ng iWant ang panibagong microdrama na Twist of Fate (TOF) na pagbibidahan nina Yen Santos, Rafael Rosell, Tony Labrusca, at Angelica Lao. 


Kapansin-pansin na tila sinusubukan ngayon ng ABS-CBN na makasabay sa mabilisang vertical content at short-form dramas na patok sa mga mobile viewers. 

Mukhang mas experimental at mas digital-focused talaga ang entertainment strategy nila ngayong 2026.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page