top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Marumi raw… KUKO NI ANGELICA SA KASAL, NILAIT NG NETIZENS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 3, 2024
1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | January 3, 2024




Humabol si Angelica Panganiban sa listahan ng showbiz personalities na nagpakasal last year.


Nagpakasal si Angelica sa kanyang live-in partner-fiancè at ama ng anak niyang si Amila Sabine na si Gregg Homan sa California, USA nu'ng Dec. 31. 


Taliwas ito sa mga naglabasang espekulasyon na magaganap ang wedding nina Angelica at Gregg sa darating na buwan ng May.


Hinangaan naman ng ibang netizens ang kasal nina Aneglica at Gregg sa Amerika.


Simple and exclusive lang kasi sa close family and friends ng dalawa ang wedding nina Angelica and Gregg. 


Maging ang wedding dress ni Angelica na inaabangan sa mga kasalan ay simplehan lang din ang dating. Pero idinispley naman sa wedding dress na gawa ni Vania Romoff ang magandang dibdib at legs ng aktres.


May na-happy sa wedding ni Angelica and as usual, umeksena rin ang mga bashers niya sa socmed at pinagpiyestahan nila ang nail polish sa kamay ni Angelica sa mga solo pictures niya habang ipinagmamalaki ang kanyang wedding ring.


“Ano bang kuko 'yan, bakit parang putik ang French tip? Congrats! Kaya pala nandu'n ang AngBeKi, wedding na pala ni Angge! Super simple ng kasal, grabe, nakakabilib!”


“Same observation. Professional nail tech naman siguro ang gumawa pero 'di nag-isip, haha!”

“Parang ang dumi ng kuko dahil sa polish, hahaha!”

Talaga ba?

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page