MARJORIE, PURING-PURI SI GERALD NA SUPER-BAIT NA, BINUBUSOG PA SILA
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 10, 2022

Halos magkasunod pala ang birthday ng mag-jowang Gerald Anderson at Julia Barretto. Thirty-three years old na si Gerald nu'ng March 7 at 25 naman si Julia today.
Nabasa namin ang mga pagbati kay Gerald ng mga kaibigan niya sa showbiz sa kanyang Instagram post at isa sa mga nag-greet ay ang kanyang biyenang-hilaw na si Marjorie Barretto.
Based sa comment-greetings ni Marjorie, obviously ay botong-boto ito sa boyfriend ng anak na si Julia.
"Happy Birthday again! Thank you for all that you have been to our family. So thoughtful, fun and ever so kind especially to Erich. And for always introducing new adventures to us. Let’s celebrate when you get back!" sabi ni Marjorie, na sinagot naman ni Gerald ng "@marjbarretto salamat po tita :) (with heart emoji).
In fairness kay Gerald, paano namang hindi mamahalin ng pamilya ni Julia, eh, talagang nag-e-effort ang aktor na makipag-bonding sa mga ito at kesehodang gumastos siya nang malaki mapasaya lang ang buong family ng GF, ha?!
Well, sana nga lang talaga ay mauwi na sa kasalan ang relasyon nila, tulad ng wish ng mga JuRald fans, dahil for sure, hindi lang financial ang na-invest ni Gerald sa relasyon nila ni Julia kundi mas mabigat 'yung emotional investment at attachment sa loved ones ng GF, 'no!





Comments