top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

MARIZ UMALI, NASAMPULAN NG MULTO HABANG NAGRE-REPORT

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 30, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 30, 2021





Ang broadcast journalist na si Mariz Umali ng GMA Network ay may makapanindig-balahibong karanasan nang pasukin niya ang isang 3-storey na abandonadong ospital na nasa taas ng burol.


Ito ang itatampok sa Halloween episode ng I Witness na mapapanood ngayong gabi.


Ang nasabing ospital ay napapalibutan ng malalaking punong balete na 30 yrs. nang inabandona.


Maraming kuwento ng kababalaghan ang naranasan ng mga residenteng nakatira malapit sa ospital. Meron daw batang pumasok sa ospital at tumagos sa pader.


Ang katiwala naman ng ospital ay madalas na naririnig na may tumatawag sa kanyang pangalan.


At nagpakita na minsan ang isang babae na nakadungaw sa bintana ng ospital.


Pinasok ng team ng I Witness ang ospital at mismong si Mariz Umali ay nakaramdam ng kakaiba. Habang siya ay nagsasalita sa pasilyo at nagre-record, nakita niyang may biglang gumalaw at dumaan.


Kaya tutukan ang I Witness Halloween episode na Tahimik na Sigaw.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page