top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

MARIS, ‘DI NAGPATALBOG KAY ANGELICA, NAGPASILIP DIN NG BOOBS

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 13, 2021





Kasama sa cast ng The Kangks Show si Maris Racal bilang si Cassandra, ang TikToker at vlogger na tatalo kay Doc Kara Teo (Angelica Panganiban). Kay Cassandra na manonood ang mga fans ni Doc Kara na ipagtataka nito dahil hindi siya doctor, pero maniniwala ang tao sa kanya.


Maninibago ang mga netizens kay Maris dahil sa kanyang character at dialogue na karamihan, ngayon lang niya sinabi.


“Nang binabasa ko ang script, grabe! Nagtanong nga ako kung seryoso ba ang nababasa ko dahil ang dami kong mura. Sobrang tapang ng script at nakakatawa,” reaction ni Maris sa first impression niya upon reading the script.


Nakakatuwa rin ang sinabi nitong excited na siya sa role niya dahil nailabas niya ang inner Sexbomb girl niya. Hindi nga nagpatalo si Maris kay Angelica na nagpasilip din ng kanyang cleavage.


Magsisimulang mapanood sa WeTV ang The Kangks Show sa December 17, 8 PM sa direction ni Tonet Jadaone. Kabilang si Maris sa mga tinukoy ni Direk Tonet sa cast na nagpasaya sa kanya dahil bukod sa magagaling, may ambag din sa role nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page