MARIAN, TINAPATAN ANG ENDORSEMENT NG MAG-AMANG DINGDONG AT ZIA
ni Nitz Miralles @Bida | October 12, 2023

Tanong ng mga fans, wala raw bang kantiyawan sa bahay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil magkaibang online shops ang kanilang ine-endorse?
Si Marian kasi ang first-ever celebrity ambassador ng TikTok Shop at si Dingdong naman, nananatiling isa sa mga celebrity ambassadors ng Shopee.
Kaya ang tanong ng DongYan fans ay kung hindi ba nagkakantiyawan sina Marian at Dingdong?
Tapos, si Zia Dantes daw ay nasa Shopee rin. Kaya ang suggestion ng mga netizens, ilagay si Sixto Dantes sa Lazada para kuha ng Dantes family ang lahat ng online shopping stores.
May dance video si Marian na pa-welcome niya sa mga subscribers ng TikTok at pa-welcome na rin niya sa sarili.
Nakalagay na sa DP ng TikTok Philippines ang photo ni Yan-Yan at makikita rin sa Instagram ng TikTok ang mga mabibili.
Tila nagpaparamihan sina Marian at Dingdong ng endorsements at kapag nabalitang may bagong endorsement ang aktres, asahan na ang susunod na balita ay endorsement naman ng kanyang mister.
Ang latest endorsement nga ni Dingdong ay GAC Motor at JC Organic Barley.





Comments