top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

MARIAN, MAS PINAG-USAPAN BILANG JUDGE NG MISS U KESA KINA KUH, LEA AT PIA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 10, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 10 , 2021





Big deal para sa mga Pinoy ang pagkakapili kay Marian Rivera ng Ms. Universe organization upang maging isa sa mga hurado ng nasabing beauty pageant.


May mga pumuri at bumati kay Marian sa malaking achievement niyang ito. Pero, may ilang bashers din ang nanlait at kumukuwestiyon kung bakit siya ang napili gayung hindi naman siya gaanong bihasa sa pagsasalita ng Ingles.


Pero, dedma lang ang Primetime Queen sa mga banat ng mga bashers. Basta gagawin daw niya ang lahat para patunayan na karapat-dapat siyang maging hurado.


All-out naman ang support ng GMA Network kay Marian Rivera. Binigyan pa siya ng sariling presscon bago siya umalis papuntang Israel. Kaya, kabi-kabila ang kanyang write-ups at publicities.


Hindi ganito kaingay sa media noong sina Kuh Ledesma, Lea Salonga at Pia Wurtzbach ang nag-judge sa Ms. Universe beauty pageant.


At marami nga ang nagsasabing mas napansin at pinag-usapan si Marian Rivera kesa sa ating kandidatang si Beatrice Luigi Gomez.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page