top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

MARIAN AT DINGDONG, NAGSAMA ULI SA MOVIE AFTER 10 YRS.

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 23, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 23, 2023



Masaya ang mga DongYan fans dahil nagsimula na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa shooting ng 2023 MMFF entry nilang Rewind.


Ipinost ni Director Mae Cruz Alviar ang clapperboard kung saan nakasulat ang title ng movie, ang pangalan niya, pangalan ng cameraman at pangalan ng director of photography na si Neil Daza.


Ipinasilip ng mag-asawa ang workplace nila via TikTok, nagsayaw sila na nakaupo si Marian at nakatayo sa likod niya si Dingdong. Hintayin natin kung ilang milyong views at likes ang aabutin nito dahil matagal itong hinintay ng kanilang mga fans.


Matagal ding hinintay ng mga DongYan fans ang muling pagtatambal sa pelikula nina Dingdong at Marian dahil ang last movie nilang You To Me Are Everything ay ginawa nila noon pang 2010.


Mapapansin sa TikTok na iba na ang hairstyle ni Dingdong sa ayos ng kanyang buhok sa Royal Blood. Inalis na ni Dingdong si Napoy (ang karakter niya sa series) sa kanyang sistema.


Samantala, kasama sa ipinost ni Direk Mae sa first day of shooting ang wedding scene ng mga karakter nina Dingdong at Marian.


Dahil nagsimula na ang shooting ng Rewind, lumalabas na fake news ang kumalat sa X (formerly Twitter) na hindi matutuloy ang MMFF entry nina Dingdong at Marian.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page