Marcos: Walang guro dapat magretiro bilang Teacher I

by BRT @News | October 4, 2026

Photo: Bongbong Marcos sa mga guro / FB
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas maraming pagkakataon ang ibibigay sa mga guro para umangat sa kanilang propesyon sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) System.
Ayon kay Marcos, hindi dapat umabot sa pagreretiro ang isang guro na nananatiling Teacher I matapos ilaan ang malaking bahagi ng buhay sa pagtuturo.
Mahigit 82,000 guro at school heads na ang na-promote sa buong bansa sa ilalim ng ECP System hanggang Setyembre.
Sinabi rin ng Pangulo na patuloy na binabawasan ang administrative work at pinapahusay ang mga benepisyo para sa mga guro.
Ginawa ni Marcos ang pahayag sa Santiago City, Isabela, matapos ang mass oath-taking ng 4,125 bagong-promote at bagong-hire na DepEd personnel sa Region II.





Comments