Atong, may bagong arrest warrant

ni Mylene Alfonso @News | November 25, 2026

Photo: Atong Ang / File
Naglabas ng panibagong warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 175 laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at dating opisyal ng pulisya na si Ryan Jay Orapa kaugnay ng kasong kidnapping at serious illegal detention.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), inilabas ang mga warrant noong Oktubre 30, 2026, kaugnay ng pagkawala ng anim na sabungero na huling namataan sa Manila Arena noong Enero 13, 2022.
Hindi rin pinahihintulutan ng korte ang dalawang akusado na makapagpiyansa.
Matatandaang nahaharap din si Ang sa mga kaugnay na kaso sa Laguna at Batangas. Itinanggi naman ng negosyante ang mga alegasyon laban sa kanya.





Comments