Bangko, ATM, remittance center, bantay-sarado ng mga pulis

ni Gina Plenago @News | November 25, 2026

Photo: File / ATM - Ylou Dagos FB
Pinaiigting ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang seguridad sa paligid ng mga bangko, automated teller machine (ATM) at remittance center ngayong nalalapit ang Kapaskuhan.
Ayon kay NCRPO acting director Brig. Gen. Christopher Abrahano, palalakasin ang police visibility sa mga nasabing lugar dahil sa inaasahang pagdami ng mga transaksyon kasabay ng pagtanggap ng sahod, bonus at remittance.
Layunin nitong maiwasan ang pagnanakaw, panghoholdap at iba pang krimen.
Pinaalalahanan din ang publiko na suriin ang ATM bago gamitin, takpan ang keypad habang inilalagay ang PIN, huwag tumanggap ng tulong mula sa mga estranghero at iwasang maglabas ng malaking halaga ng pera sa mga pampublikong lugar.





Comments