Para sa P19.66T utang ng 'Pinas — Cayetano... Mga Pinoy mag-ambagan, tig-P170K

ni Mylene Alfonso @News | November 25, 2026

Photo: Alan Peter Cayetano - Senate of the Philippines
Iminungkahi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na magkaroon ng mekanismo para sa boluntaryong pag-aambag ng mga Pilipino upang makatulong sa pagbabayad ng utang ng bansa.
Sa deliberasyon ng Senado sa panukalang 2027 national budget nitong Lunes, binanggit ni Cayetano na umabot na sa P19.66 trilyon ang pambansang utang hanggang Setyembre 2026, na katumbas ng P170,598 kada Pilipino kung hahatiin sa kabuuang populasyon.
Nilinaw ng senador na hindi sapilitan ang kontribusyon at kailangan ding tiyakin ng pamahalaan ang maayos na paggastos ng pondo ng bayan upang makuha ang tiwala ng publiko.
Samantala, hinamon naman ng Malacañang si Cayetano na pangunahan ang kanyang mungkahing pagbibigay ng donasyon.
“Mas maganda siguro makita mismo natin, mismo kay Senator Alan Cayetano, pasimulan na po niya,” ani Palace Press Officer Claire Castro nitong Martes.
Iminungkahi rin ni Castro na maghain ang senador ng kaukulang panukalang batas para sa naturang inisyatiba.





Comments