MARCO, UMAMING INE-ENJOY LANG SI HEAVEN
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 7, 2023

“What you see is what you get,” ang sagot ni Heaven Peralejo sa tanong kung ano na ba talaga ang tunay na estado nila ng ka-love team na si Marco Gallo.
Nakatsikahan namin ang MarVen sa idinaos na cast reveal ng digital series na Safe Skies, Archer kung saan ay kasama nga sila sa cast matapos ang tagumpay ng kanilang first series together na The Rain in España.
Nagsimulang ma-link muli sina Heaven at Marco nang gawin nila ang The Rain in España dahil na rin sa kanilang malakas na chemistry at hayagang pagpapakita ng paghanga sa isa’t isa.
Pero ayon sa dalawa, hindi pa rin daw sila at ine-enjoy lang nila sa ngayon ang kanilang closeness.
“Like we said before, we’re not rushing into anything. It’s because, me personally, I don’t wanna mess this up. I really don’t,” sey ni Marco.
Gusto raw niya ang nangyayari sa kanila ngayon ni Heaven at ayaw niya raw itong mawala.
“I don’t wanna lose this, so I just take it slow and just enjoy whatever it is, and eventually, if one day, if we feel ready, then why not? But for now, you know, we’re just seeing each other a couple of times,” dagdag pa niya.
Kung magiging sila raw ay hindi naman nila ito itatago.
“There’s really no reason for us to hide it. Just because we don’t wanna be like the other artista na parang you know, they just keep it to themselves. I always tell her, I think, whenever that time comes, there’s no reason to hide it,” sabi ni Marco.
Hirit naman ni Heaven, “Kayo ang unang makakaalam, ‘wag kayong mag-alala.”
Aminado naman si Heaven na crush niya si Marco, pero mukhang hindi raw alam ng aktor ang tradisyonal na panliligaw since half-Filipino, half-Italian ito at lumaki sa Italy.





Comments