top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Maraming kapalit na aktres… SUNSHINE, ‘DI KAWALAN SA SIYETE

BULGAR
Apr 28, 2021
1 min read

Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | April 28, 2021




Ngayong wala na sa bakuran ng GMA Network si Sunshine Dizon, sino kaya sa mga Kapuso female stars ang pupuwedeng pumalit sa kanya bilang bida-kontrabida sa serye?


Well, naririyan naman si Thea Tolentino na tried and tested na ang pagiging kontrabida. Sina Winwyn Marquez at Maxene Magalona ay pasado ring gumanap na mean girl. At si Gladys Reyes, ilang beses na ring gumanap na kontrabida sa ilang serye ng Kapuso network.


Maraming talents ang GMA-7 na puwedeng hasaing gumanap ng offbeat role. Hindi naman mapipilay ang mga shows ng Siyete sa pagkawala ni Sunshine Dizon, sa totoo lang!


Si Aiko Melendez, payag na payag na rin na maging kontrabida at ang galing-galing niya sa Prima Donnas.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page