top of page
Search
  • BULGAR

Maraming celebs, todo-bati… JM AT ARCI, UMAMING MAGDYOWA NA, PRANK LANG PALA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 6, 2021




Marami ang natuwa at inulan ng pagbati ang post ni Arci Muñoz sa Instagram account niya nang i-announce niyang mula sa pagiging mag-BFF (best friends forever) ay lovers na sila ngayon ni JM de Guzman.


Family picture 'yun ni Arci sa Boracay na kuha sa kanilang bakasyon ngayon at kasama ru'n si JM.


Kinilig ang mga kaibigang celebrities nina JM at Arci. Alam kasi nilang matagal nang best friends ang dalawa.


Pero bago ang post ni Arci sa IG niya, may meaningful post din si JM sa kanyang IG account. Humingi ng permiso ang aktor kung puwede niyang ligawan ang aktres considering na napakatagal na nilang magkaibigan.


Heto naman ang mga komento ng mga netizens sa unang pag-amin ni Arci na sila na ni JM…

“From a Brunei prince to an SM heir to JM de Guzman. Lol.”


Correction naman ng isang commenter, “Correct me if I am wrong, but her ex was not an SM heir. I heard his family supplies meat products to SM supermarkets.”


“Si JM 'yung mas ka-level ni Arci, same sila na actor, nag-aral sila sa UP. Best friends bago naging mag-BF, baka sila na rin ang magkatuluyan.”


Tanong naman ng isang netizen, “Totoo ba 'to or prank? Kasi 'yang si Mona (palayaw ni Arci dahil Ramona ang tunay niyang pangalan), ang mga nagiging BF niyan, mayayaman at wala sa showbiz. Kung totoo man, wish them happiness!”


Ang siste, kinabukasan din pagkatapos i-post ni Arci sa kanyang IG na 'sila' na ni JM, naglabas naman ito ng vlog kung saan ipinakita nilang prank lang pala ang kanilang relasyon.


Marami tuloy ang nabuwisit at nadismaya dahil akala nila ay totoo nang magdyowa sina JM at Arci. Bagay pa naman daw ang dalawa.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page