Marami na raw bagong tinitilian… REGINE, TANGGAP NA LAOS NA DAHIL MASYONDA NA
- BULGAR
- Mar 25, 2024
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 25, 2024

Naging emosyonal si Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang acceptance speech matapos parangalan sa very first Billboard Philippines Women in Music Awards na ginanap last Friday.
The Asia’s Songbird received the Powerhouse Award for her exceptional talent and influence in the Philippine music scene. The award was presented by her husband himself, Ogie Alcasid.
Sa kanyang acceptance speech ay sinabi ni Songbird ang mga kailangang pagdaanan ng mga female singer as they grow old in the industry.
"I have to say being in this industry getting older is a challenge, especially for women,” aniya.
“First of all, mahirap sa aming mga kababaihan dahil may mga hormones kaming. . . syet (tawanan).
“We have to deal with those things and it changes our voices, it changes our appearance. You know, ang dami-dami naming kailangang harapin,” patuloy niya.
Binanggit din ni Regine ang mga pagbabago ring naranasan sa pagtanggap sa kanya ng mga tao.
“Pero sa industriyang ito, mahirap ‘pag tumatanda ka na sa industry. Nakikita mo na nagbabago na ang lahat. 'Yung dating ikaw 'yung sinisigawan, ikaw 'yung nagkakaroon ng hit, mararamdaman mo 'yung unti-unti na hindi na ikaw,” she said.
“But for me, it's fine.
"Parati 'pag may nagtatanong kung ano 'yung legacy na iiwan ko sa industriyang ito, parang feeling ko, wala.”
Kinontra ito ng audience at nagsigawan silang “Meron!”
Patuloy ni Songbird, “Sa akin po kasi, hindi po masyadong importante kung meron po akong maiwan o wala. I know na makakalimutan ako kasi ganu'n 'yun and it's fine. It's fine with me because ganu’n po talaga ang panahon, ganu'n po talaga ang industriya. And it's not your fault. It's just what it is.
"Siyempre, ibinibigay natin ang entablado sa mga susunod na henerasyon, mga singers at songwriters.”
Ayon kay Regine, ang legacy niyang maituturing ay ang kanyang anak na si Nate.
“Pero para po sa akin, ang akin pong legacy ay ang aking anak because people will forget about me, will forget about my voice and what I've done in the industry, but my son will always remember me. So my son is my legacy," emosyonal na wika ni Songbird.
Of course, hindi nakalimutan ni Regine na pasalamatan ang mga taong nakatulong sa kanya in her 37 years in the music industry sa pangunguna na ng kanyang yumaong amang si Tatay Gerry at ang kanyang pamilya. Kabilang din dito ang lahat ng mga nakatrabaho niya, at siyempre, ang kanyang loving husband.





Comments