top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mapakilig lang ang mga fans… JULIE ANNE AT RAYVER, NAG-I LOVE YOU SA ISA'T ISA SA CONCERT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 28, 2022
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 28, 2022



Nayanig ang Newport Performing Arts Theater last Saturday night nang finally ay sinabi na rin ni Julie Anne San Jose ang nararamdaman niya para kay Rayver Cruz.


Naganap ang bonggang pagsasabi ng “I love you” ni Julie Anne kay Rayver sa first concert nila together na JulieVerse.


Si Rayver muna ang nagpahayag ng kanyang nararamdaman kay Julie Anne, which alam naman natin na noon pa dahil very vocal naman siya talaga about it sa interviews man o sa mga posts niya.


Ani Rayver, "Nu'ng birthday mo, 'di ba, sinabi ko na sa iyo ang nararamdaman ko? Kasi, nandito tayo sa Newport, sa concert, gusto ko na lang ding ipadinig sa kanila… Julie Anne San Jose, I love you. I love you so much."


Habang sinasabi niya ito ay magka-holding hands sila kaya naman dito pa lang ay napakalakas nang tilian ang maririnig mula sa kanilang mga fans.


Lalong lumakas ang sigawan nang magsabi na nga ng “I love you” si Rayver. Needless to say, super-kilig ang mga fans at hindi matapus-tapos ang tilian.


At lalong nagiba ang Newport Performing Arts Theater nang sumagot na si Julie Anne.


Sey niya, “Gusto ko lang sabihin na sobrang grateful ako sa iyo na dumating ka sa buhay ko.


Ang daming nabago sa buhay ko simula nang dumating ka. Kaya gusto kong sabihin, I love you too."


Siyempre, hindi lang ang mga fans ang tuwang-tuwa kundi si Rayver din mismo. Mahigpit na nagyakap ang dalawa sa gitna pa rin ng malakas na tilian ng fans.


Bukod dito, sobrang kinilig din ang mga fans sa performances ng JulieVer sa buong concert.


Trending nga sa Twitter nang gabing 'yun ang #JulieVerse at #JulieAnneSanJose. Pati ang video ng “kilig moment” na ‘yun ay nai-post na nga agad at paulit-ulit na nai-share.


Sabihin pa, labis na pinaligaya ng JulieVer ang kanilang mga fans na noon pa’y naghihintay ng pag-amin mula sa kanila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page