Manugang, umamin… PAMANANG BAHAY NI VILMA, IPINATIBAG NINA LUIS AT JESSY
ni Julie Bonifacio - @Winner | December 09, 2021

Target ni Jessy Mendiola at ng kanyang mister na si Luis Manzano na magka-baby next year.
Pero kung ibibigay nang mas maaga, mas maigi para sa mag-asawa. Handang-handa na sila para sa kanilang “little Luis” and “little Jessy”.
Wish ni Jessy na maging girl ang first baby nila ni Luis. Pero okey din siyempre kahit boy as long as healthy ang baby.
“Why girl? Maarte po kasi ako. Dati po kasi, boyish-boyish ako, ‘di ba? Naaalala n’yo po ‘yun?
"Tapos, nu’ng nagkaroon na ako ng boyfriend, nagkaroon ako ng asawa, nagpa-girl na ako.
"Dati, hindi naman ako nagpi-pink. Bakit ako naka-pink? ‘Di ba, nakakatawa?” pahayag ni Jessy.
Luis made her a ‘woman’ ayon kay Jessy.
“Yes, you can say that. Tama po. Sabi ko, uhm, I really hope na daughter kasi siyempre, may pagmamanahan ‘yung mga pinaghirapan kong mga stuff. But it’s okay. Uh, ‘pag boy naman po, basta healthy, it’s very fine.”
Isa pang dahilan kaya gusto ni Jessy na girl ang kanyang first-born ay para may magmana ng kanyang mga mamahaling gamit.
Pero bago pa man ipamana ni Jessy ang mga gamit niya sa kanilang baby girl (if ever), tiyak na ang kanyang mother-in-law na si Congw. Vilma Santos-Recto muna ang magpapamana ng kanyang mga gamit sa kanyang first apo.
“Opo,” pagsang-ayon ni Jessy. “Ay! Opo naman ako. Actually, si Momskie, she’s also not very materialistic. As in, si Momskie kasi, mas… nagkausap kami noon, eh, may time na sabi ko, 'Momskie, ano, parang mas cute,’ ganyan. Pinapapili ko siya ng color. Actually, siya ang pumili nitong dala ko ngayon (color pink Kelly 25 Hermes bag).
“Sabi niya, 'Sobrang bagay sa ‘yo ang pink, saka maliit lang.' Tapos, sabi niya sa akin, ‘Sorry, sorry, Anak, ha? But you’re not tall. So, dapat, ‘yung size na kukunin mo, maliit lang.' Sabi ko, ‘Tama naman po kayo, Momskie. Totoo po ‘yan.’
“Then, may time po na pinapasok niya ako sa room niya. Tapos, ipinakita niya ‘yung bag collection niya. Sabi niya, ‘Pero ‘di ba, you rarely see me bring my bag?’ Tapos, ‘I’d rather set aside a budget to help others,' sabi niyang ganu'n.
"And ako rin po, parang as time went by, habang tumatagal ‘yung relationship namin ni Luis, he helps ano kasi ‘yung mga taga-industry, ‘di ba? Generous din kasi si Lu, ‘di ba?”
When we asked her kung ano na ang nangyari sa “pamanang-bahay” kay Luis ni Congw. Vilma sa Greenmeadows, ayon kay Jessy ay ipinapatibag na nila.
“Yes po, and we moved closer po kay Momskie. Actually, very rustic siya na minimalist. Ayaw namin ng maraming nangyayari.
“Actually on our dream house, we want to take time, ‘di ba? Sabi ko, 'Let’s take time and get a nice rental home para hindi rin tayo haggard.' Pero nakakatuwa, kasi talagang nakaka-excite.
And si Lord, talagang grabe Siya kung magbigay ng blessing, tuluy-tuloy. We’re very, very grateful.
“I’m very grateful na kahit hindi kami ganu'n ka-active on TV and movies, I still get a lot of endorsements. And that means na brands help me out to endorse them or to be their ambassador.
So, I’m just really grateful, as in parang everything’s just so….”
Ang architect ng kanilang dream house ay ang company na naka-based sa Hong Kong kung saan doon nagwo-work ang sister ni Jessy.
Bukod sa kanilang dream house, may isa pang bahay na ipapatayo sina Luis and Jessy sa Batangas. Nalaman namin na share pala sila ni Luis sa panggastos para sa pagpapatayo ng kanilang dream house.
“Opo naman, of course. Lumaki po kasi ako na nagtatrabaho simula bata pa ako. And na-train din po ako nang mabuti sa pagha-handle ng pera. So, as long as kaya ko, I’m willing to share.
Actually, iba-iba naman ang opinyon ng bawat mag-asawa, ‘di ba? Pero kami ni Luis, we always make sure to be honest and vocal about ‘yung fina





Comments