top of page
Gelli de Belen - IG.jpg

Manibela, tumama sa tiyan, Patrick… JENNYLYN, NAG-DRIVE PA-OSPITAL HABANG NAGLE-LABOR NA

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
4 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | October 5, 2026



FRANKLY - JENNYLYN, NAG-DRIVE PA-OSPITAL HABANG NAGLE-LABOR NA_IG _mercadojenny

Photo: IG _mercadojenny



Ang isa sa mga managers ni Jennylyn Mercado na si Katrina Aguila ang isa sa mga nakasaksi sa mga struggles na pinagdaanan ng aktres sa buhay.


Si Kat ay anak ng original manager ni Jenn na si Becky Aguila at maliit pa lang siya noong nagsimulang i-handle ng mama niya ang aktres.


Kaya naman habang lumalaki ay nakita niya ang lahat ng nangyayari sa buhay nito – tagumpay man o failures, sa career man o sa pag-ibig.


Siyempre, nasaksihan din niya ang mga pangyayari sa relasyon nina Jenn at Patrick Garcia at ang panahong ipinagbubuntis ng aktres si Alex Jazz na bunga ng pagmamahalan ng dalawa.


Tandang-tanda pa ni Kat nang panahong nanganak na ang aktres sa first baby niya at ibinahagi niya sa amin ang kuwentong hindi alam ng publiko.


“When Jen started laboring with Jazz, she drove herself to the hospital — alone. Kahit tumatama na ang tiyan n’ya sa manibela, she still drove herself,” kuwento ni Kat.


“Pagdating n’ya sa emergency door ng St. Luke’s QC (Quezon City), iniwan na n’ya ang kotse n’ya sa ER (emergency room) entrance. She took her baby bag and walked into the hospital by herself,” patuloy niya.


At kasunod nito ay lumabas na nga sa mundong maliwanag si Jazz at nagulat pa sila dahil sinabihan na lang sila ni Jenn matapos makapanganak.


“Two hours later, she gave birth. Lahat kami, nagulat na nanganak na s’ya,” tsika ni Kat.

“When we asked her why she didn’t tell anyone, especially Mommy Lydia, her explanation was simple: ayaw n’yang mag-alala si Mommy Lydia at lalo pang kabahan,” patuloy ng manager.


“That was Jenn. So many of the things she did in her life came from the same place—she never wanted anyone to feel that she was a burden. She would carry things quietly, figure things out on her own, and somehow find the strength to keep going without asking anyone to carry the weight for her,” pagmamalaki pa niya sa aktres na isa sa mga original talents ng Aguila Entertainment.


Lumaki si Katrina na nasaksihan ang tapang ni Jenn as a woman and as a mom. Na sa kabila ng mga matitinding problemang kinaharap ay lagi itong nagsisikap na makabangon at tumayo sa sariling paa alang-alang sa kanyang anak.


“It was a privilege to be a part of her life—to witness her strength, courage, imperfections, her laughter, struggles, and all the beautiful stories that made her who she is now,” saad pa ni Kat.


Sa kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Jenn against Patrick, suportado all the way ng buong Aguila Entertainment ang aktres hindi lang dahil sa alaga nila ito kundi they were all there at Jennylyn’s life at alam nila ang totoong kuwento ng buhay nito.





Kumampi raw kay Patrick kesa kay Jennylyn… 

GELLI, DUROG SA BANAT NG NETIZENS, APEKTADO NA



As of press time, patuloy na kinukuyog ng mga bashers si Gelli de Belen matapos siyang magbigay ng pahayag sa controversial issue nina Patrick Garcia and Jennylyn Mercado.


Sa guesting kasi ng aktres sa Chika Cart, hosted by Baninay Bautista, Donita Nose at Jefferson Fernando, nahingan siya ng opinyon tungkol sa isyung pinag-uusapan ngayon ng bayan na nagsimula sa tell-all interview ni Patrick kay Ogie Diaz.


Sinagot naman ni Gelli ang tanong pero hindi nagustuhan ng mga netizens ang kanyang sagot dahil feeling nila ay kinakampihan ng aktres si Patrick.


Maging si Dennis Trillo nga ay hindi rin napigilang mag-react at sunud-sunod din ang kanyang komento sa viral video ni Gelli sa Instagram (IG).


Sa isa niyang komento ay tinawag pa niyang ‘8080’ o ‘bobo’ ang mga hosts na sumasang-ayon kay Gelli.


Kasabay nito ay walang patumanggang pamba-bash ang inabot ng aktres mula sa mga netizens at mga supporters ni Jenn.


“Ms. Gelli, with all due respect, mali ‘yung comment mo sa show. I don’t know if friend ka ba ng mga Garcia or what pero it was clearly Patrick’s fault alone. ‘Di n’ya kailangang siraan si Jenn, let alone HIS son Jazz. 


“You can’t blame the netizens if ipagtanggol nila si Jenn. Masyado ka kasing pa-neutral. ‘Di lang anak ni Patrick kay Nikka ang nasasaktan dito, tandaan mo. Pabida ka kasi masyado,” komento ng isang netizen.


“Sabi mo, Gelli, ‘The reason this was brought up kasi nasasaktan ang anak ni Patrick.’ Wow, ha? Eh, si Jazz, ‘di ba, anak din ni Patrick? Eldest child pa. One-sided ‘tong comment na ‘to ni Gelli,” sabi naman ng isa pa.


Sa ngayon ay wala pang pahayag ang aktres tungkol sa mga sinabi ni Dennis at sa matitinding bashings na natatanggap niya, pero ayon sa aming source na malapit sa kanya ay affected daw ang aktres dahil wala naman itong masamang ibig sabihin sa mga sinabi.


As for Dennis, hindi namin masisi ang aktor sa kanyang initial reaction dahil nga sa pagmamahal niya sa asawa at sa kanyang pamilya na gagawin niya ang lahat para ipagtanggol at protektahan ang mga ito.


Sa totoo lang, masuwerte si Jennylyn sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Dennis.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page