MANANG NAIWAN NI RONALDO, PINAG-AAWAYAN NINA JANNO AT MELISSA
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 5, 2024

Marami ang labis na nagtataka kung bakit naging isyu ang naiwang Last Will & Testament ng yumaong veteran actor na si Ronaldo Valdez.
Kung ibabase kasi sa legal na aspeto, ang immediate family (asawa at mga anak) ang may karapatan sa mga properties na iniwan ni Ronaldo Valdez.
May ginawa namang Last Will & Testament ang veteran actor. At may mga nagsasabing ang kanilang mansion ay ipinamana niya sa dalawang anak na sina Janno at Melissa Gibbs.
Pero hindi nabanggit kung may ipinamana sa kanyang asawa na nakahiwalay na niya bago pa siya namatay.
Kamakailan, isang abogado ang nagbunyag na isa sa mga anak ni Ronaldo Valdez ay nagrereklamo sa kanyang natanggap na mana.
Well, sino kaya kina Janno at Melissa ang umaapela? Diumano, mas malaki ang manang napunta sa isang anak at 'yun ang kinukuwestiyon ngayon.
Hindi rin ba maghahabol ang legal wife ni Ronaldo Valdez?
Samantala, maraming namba-bash ngayon kay Janno Gibbs dahil kamamatay lang ng kanyang ama ay bumiyahe na ito pa-Japan at du'n nag-celebrate ng Bagong Taon. Dapat ay ipinagluluksa pa raw niya ang pagkamatay ng kanyang ama.





Comments