Mananagot sa batas ang sinumang maninira ng reputasyon ng kapwa, katrabaho o kumpanyang...
pinaglilingkuran sa social media.
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 01, 2020
Sa kasalukuyang panahon kung saan nang dahil sa community quarantine na ipinatutupad sa ating bansa dulot ng banta ng COVID-19, naging mas laganap ang paggamit ng iba’t ibang uri ng social media platforms. Marami sa mga kababayan natin na ginamit ang social media bilang pampalipas oras nang sila ay binawalang lumabas sa kani-kanilang tahanan. Naging mas aktibo rin sila sa kanilang mga social media accounts. Dahilan din ito kung saan ang pribadong buhay ng iba nating kababayan ay naging tampulan ng usap-usapan sa social media at ang kanilang pribadong buhay ay naging bahagi ng usap-usapan. Bagama’t ang isang tao ay may karapatang magsabi ng kanyang saloobin, hindi ito nangangahulugang siya ay magkakaroon ng karapatang sirain ang reputasyon ng kanyang kapwa tao, katrabaho o ng kumpanyang kanyang pinaglilingkuran sa anumang uri ng social media platforms. Marapat na kanyang igalang ang katahimikan ng buhay ng bawat indibidwal at ng kanyang pinagtatrabahuan at maging ng kanyang pamayanan. Ang taong walang pakundangang magkalat ng mapanirang tsismis ay maaaring managot sa batas.
Upang mabigyan ng bayad-pinsala ang taong biktima ng mapanirang sabi-sabi, maaaring magamit ng nasabing biktima ang probisyon ng Civil Code of the Philippines upang makapagsampa ng kasong damages laban sa taong nagkakalat ng mapanirang tsismis laban sa kanya. Tunay na nakasisira sa maaayos na samahan ang pagkakalat ng mapanirang tsismis sa pamayanan. Marapat na ang lahat ng tao ay malaman na mahalaga ang katahimikan ng indibidwal at marapat na bigyan ito ng respeto. Ang paninira ay malimit na nagiging sanhi ng kasiraan ng taong biktima nito. Kaya naman, ang batas ay nagbibigay ng karapatan sa biktima ng mapanirang tsismis na magsampa ng kasong damages sa ilalim ng Article 26 ng Civil Code of the Philippines kung saan nakasaad na:
“Art. 26. Every person shall respect the dignity, personality, privacy and peace of mind of his neighbors and other persons. The following and similar acts, though they may not constitute a criminal offense, shall produce a cause of action for damages, prevention and other relief:
(1) Prying into the privacy of another's residence;
(2) Meddling with or disturbing the private life or family relations of another;
(3) Intriguing to cause another to be alienated from his friends;
(4) Vexing or humiliating another on account of his religious beliefs, lowly station in life, place of birth, physical defect, or other personal condition.”
Maaari ring magsampa ang biktima nito ng kaso sa ilalim ng Section 4(c)4 ng “Cybercrime Prevention Act of 2012”, kung saan nakasaad ang sumusunod:
Cybercrime Offenses. — The following acts constitute the offense of cybercrime punishable under this Act: xxx xxx (4) Libel. — "The unlawful or prohibited acts of libel as defined in Article 355 of the Revised Penal Code, as amended, committed through a computer system or any other similar means which may be devised in the future.





Comments